PIDS Website on Local Gov’t Code

PIDS Website

Advertisements

NCAA umiinit; mga nag-ipon ng lakas bago mag-UAAP, sinu-sino?

Mega Ronda sa Isports

Adamson-San Beda pre-season game

 Umarangkada na ang gilas – hindi ng Gilas Pilipinas ‘pagkat marami pa silang kakaining bigas bago makapag oh oh Olympics – ng mga mag-aaral-basketbolista sa pagsisimula ng matandang ligang NCAA.

Hindi rin pahuhuli ang mga kababaihan sa volleyball at basketball dahil sa kani-kanyang kabilaang nilalahukang liga na televised din sa 5 at 23.

At sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng Arellano Chiefs na masungkit ang NCAA basketball championship dahil isa sila sa pinaniniwalaang mahirap malalaglag sa Final 4. Pumangalawa sila sa De La Salle Green Archers sa pre-season tournament na Filoil Flying V Premier Cup noong nakaraang buwan.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang defending champs Letran Knights at karibal na San Beda Red Lions para mamayagpag muli kaharap ang sandamukal na fans at alumni ng mga koponang ito sa pagpapatuloy ng mainit na sagupaan sa NCAA.

Kung sa kabilang liga ang pag-uusapan – as if kinukulang sa usapang-basketbol – aabangan ang dalawang laro sa two-round elims ng Ateneo-La Salle, habang nasa mga kokote na ng defending UAAP titlists FEU Tamaraws kung paano paghahandaan ang ibayong lakas ng Adamson Falcons, UE Red Warriors, at NU Bulldogs.

Sa umaasang madaragdagan ang tropeo noong 1986 sa Diliman, pang-background sa mga selfie ng mga Iskolar ng Bayan, walang nakaaalam kung not-enough-fighting UP Maroons pa rin sa bagong coach nilang si Bo Perasol, alumnus ng UP na naunang nagturo kina Kiefer Ravena at mga Atenistang huling nagkampeon noong panahon pa ni ex-coach Norman Black.

Sa halos tatlong dekada, tinututukan parati ang NCAA at UAAP kahit hindi sila commercial leagues dahil sa kanila nagmumula ang mga katulad ni Benjie Paras, ang una’t hindi nasusundang rookie-MVP ng propesyunal na ligang PBA.

May mangilan-ngilan ding napabibilang sa talaan ng Pambansang Koponan sa Basketbol. Sa mga nagdaang buwan, puspusan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para masungit mismong ang kampeonato sa isang qualifying tournament na magiging tiket nila sa Rio Olympics.

Ngayon na lamang naging napakaigting ang suporta ng mga negosyante sa Pambansang Koponan sa kabila ng pagiging paboritong laro ito ng mga Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo. Nakita ng mga negosyante ang kagandahan ng pamumuhunan sa mga basketbolistang nasa kolehiyo hanggang sa sila’y makapag-pro at magkaroon ng pagkakataong sumabak sa pandaigdigang palaro, taas-noo’t bitbit ang watawat ng Pilipinas. DC Alviar

Kontra-droga kinasa, kilalang tulak ng shabu sa San Pedro’t Biñan, patay sa engkwentro

SAN PEDRO CITY, Laguna – Nanlaban sa pulisya at napatay ang kilalang tulak umano ng shabu sa mga Lungsod ng San Pedro at Biñan, Laguna sa isang engkwentro noong ika-23 ng Hunyo.

Tinutukan at nakibalita sa telebisyon ang mga kalugar ni Allan Naval upang malaman at mamukhaan kung kilala nga nila ang pinaghinalaang tulak ng droga.

Nakakalaro pa nila si Naval sa basketbol, banggit ng iba.

Tiklo muna siya sa buy-bust na isinagawa sa katirikan ng araw at maraming tao dahil napakalapit ng tirahan ni Naval sa talipapa sa dating riles ng tren na may tahimik na pamayan sa tinatawag ring “Taas” sapagkat napapagitnaan at nasa tuktok ang pook-Maligaya ng mga subdibisyong Chrysanthemum at Olympia.

Dumarami ang boluntaryong sumusuko na sangkot sa ipinagbabawal na gamot dahil sa takot na mapatay sa operasyon ng Philippine National Police na may pahayag noong isang linggo na higit 50 katao na ang napatay sa pinaigting na kontra-droga. Sa sumunod na linggo, higit 100 na ang bilang.

Nasa iba’t ibang panig ng Mega Manila ang pinaigting na kampanya, kabilang ang Meycauayan, Bulacan at Taguig City.

Sa Visayas at Mindanao rin nagaganap ang matindi at madugong aksyon ng pulisya. Nagpahayag na ng pagkabahala si Senate President Franklin Drilon sa kanyang nababalitaang pagpatay sa mga napaghihinalaang tulak ng droga sa Iloilo, bagamat sumusuporta siya sa pagtutok ng papaupong administrasyon hinggil sa peace and order.

Nauna nang tumutol sa mga pagpatay ang Commission on Human Rights. Inoobserba raw ang karapatang pantao sa lahat ng oras; kung ang mga nahatulan ngang guilty beyond reasonable doubt ay hindi pinapatay, iyon pa kayang kahuhuli pa lamang.

“In 3-6 months,” malalansag ang droga (at iba pang krimen) sa pangako ni Mayor Duterte noong tumatakbo siya sa halalang pampanguluhan. At noon ngang ika-9 ng Mayo, siya ang pinili ng nakararami. DCA

Gen. Bato welcomes more drug ‘pushers’ voluntarily surrendering, asks prayers

Incoming Philippine National Police commander Chief Supt. Ronald “Bato” de la Rosa expressed confidence that more and more people involved in the illegal trade of shabu, drugs dependents included, are surrendering to authorities, and asked prayers from the public so that he and President Rodrigo Duterte would succeed.

Asked by GMA-7 on the eve of the President’s inauguration to comment why it is only now that the police are more proactively campaigning against drugs, the young general who had “vast police work experience in Davao”, responded: “Duterte factor…yeah, fear factor.”

Dela Rosa exhorted some more shabu traders: “Sige lang, tuloy lang po sa pagsuko, at sayang naman…magsisimula na tayo, dalawang tulog na lang.”

He said that some of his fellow policemen have “just started” but officially, he would lead an intensive drive against drugs nationwide in a day or two (as of this writing).

“Don’t abandon us (on our efforts)… Please pray for us,” Dela Rosa requested viewers of State of the Nation with Jessica Soho. DCAGen. Bato

WITH OLIVE BRANCH

MAY SANGA NG OLIBO. Hiwalay ang panunumpa ni VP Leni Robredo sa Quezon City Reception House pagsapit ng umaga ng ika-30 ng Hunyo, halos tatlong oras ang pagitan sa inagurasyon ng Pangulo sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañan sa Maynila. Ayon sa political scientist na si Cleve Arguelles, bilib ang marami kay Robredo dahil hindi siya nagmula sa isang political dynasty na labag sa Saligang Batas. Sa kanyang talumpati’y may mga salita rin ng pagkakasundo ang Pangalawang Pangulo sa makakatuwang niyang si Pangulong Duterte.

Robredo inauguration

BAHA NG BARYA

BAHA NG BARYA. Isang araw bago ang inagurasyon ni Pangulong Duterte, binaha nang bahagya ang Taft Avenue, Ermita sa Maynila dahilan upang makatulong sa papatawid na mga pasahero ang isang pedicab driver. Bonus na lamang sa pagtulong niya ang mahulugan ang kanyang baso ng palima-limang piso. Sumunod na araw, tila nakiisa ang panahon nang hindi umulan, at nakapanood pa siya ng inagurasyon.SA BIGAY-DAAN ng isang pedicab driver