Tabloid mula sa Malacañan, kailangan pa ba?

Nagkakahalaga ng humigit kumulang Php20 ang bawat broadsheet o malaking pahayagan katulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila Bulletin at Philippine Star at humigit kumulang Php10 kada tabloid o dyaryong mas maliit sa nabanggit. Ibig sabihin, sa dami ng mga walang hanap-buhay sa Pilipinas bukod pa sa kawalang-lakas bumili  o purchasing power ng kanilang piso, hindi ang pagbili ng mga komersyal na mga pahayagang ito ang prayoridad ng ganitong mga tao.

At heto ang balitang mukhang maganda dahil galing sa gobyerno: Balak dagdagan ng Presidential Communications Operations Office ang paglalathala ng mga publikasyon ng pamahalaan sa pagkakaroon ng tabloid mula sa Malacañan, ayon kay incoming PCOO chief Martin Andanar.

Makabubuting ilatag ang kabuuan ng balita sa pcoo.gov.ph na may pamagat na “Incoming communications chief Andanar hopes to improve government media platforms”:

Incoming chief of the Presidential Communications Operations Office (PCOO), Martin Andanar, said on Monday he hopes to improve government media platforms when he assumes office in July.

The 41-year-old Andanar, a news anchor and radio commentator from TV5, will replace Secretary Herminio Coloma, Jr., whose term ends on June 30.

“The scope of my job is to manage all the government media entities,” said Andanar, who joined Secretary Coloma during a press briefing in Malacañang Palace.

The government media entities under the PCOO are PTV 4, the Philippine Broadcasting Service, Radyo ng Bayan, the Philippine Information Agency, the Philippine News Agency, and the National Printing Office.

Andanar said he was impressed with the different bureaus under the PCOO but noted that he wants to make his mark as head of the agency.

“Yes, we will beef up. As we were touring Channel 4, Radyo ng Bayan, I guess the foundations have been laid and my job is to continue and even — well, they say that if you want a good legacy, you have to surpass the previous work,” said Andanar, who has crafted a National Communications Strategy, which he already presented to President-elect Rodrigo Duterte.

“So, bukod doon sa telebisyon, bukod doon sa radyo, na we have to improve on that. We also want to build the online presence. We would like to build platforms. We are planning to print our own weekly tabloid. And, of course, it is not all cast in stone. Maraming pagbabago pa as we, the team, do our jobs,” he said.

Andanar also mentioned his plan to bring Duterte’s weekly TV and radio program to Manila and make it a national program.

“We still have to talk about this. It is essentially — the ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ is a weekly TV and radio program the incoming President had in Davao, every Sunday. And it’s essentially a program that talks to the masa and addresses problems of the masa. It’s as transparent as you can get,” he said, adding that he has raised the matter to incoming Cabinet Secretary Jun Evasco and incoming Presidential Management Staff Secretary Bong Go.

He also bared that the changes in the agency include a revamp.

“Yes, there will be revamp. I mean just like any new administration, magkakaroon ng mga pagbabago nang kaunti. Those who are good, the co-terminus appointments that have shown good performance, not necessarily will they be fired. The good ones will be retained,” Andanar said. PND (jm)

Walang nabanggit na circulation manager para sa tabloid. Kung ano, paano at gaano ang sirkulasyon, walang nakaaalam. Baka sa darating na mga araw, meron na yan.

Ngunit nakasisiguro tayo, maka-iimpluwensya sa desisyon ang mga taong akademiko, mga mamamahayag, at mga eksperto sa pamamahayag sa loob at labas ng bansa. Nawa’y makahanap at makapakinig ng tamang konsultasyon si Andanar.

BALIK-TANAW SA HAMON NG PANAHON

Less paper, kung hindi man, paperless, ang hamon ng makabagong Information and Communications Technology. Kung noong wala pang PC at Internet puro lathala ang mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor, ngayo’y malaking bagay ang pangunguna ng Korte Suprema sa usapin ng pagbabawas-papel o walang papel na proseso sa ilang operasyon ng mga tanggapan.

Maging ang mga pahayagan sa loob at labas ng Pilipinas, hindi nakaiwas sa malaking hamon na manatili ang kanilang operasyong palimbag o may mga papel sa kabila ng tumataas na konsumo ng tao – kabilang ang oras sa pamamalagi – sa World Wide Web.

Ang ibang pahayagang kilalang may mga internasyonal na sirkulasyon, itinigil na ang mga print edition. May iba pang tuluyan na ngang nagsara. At minabuti nang ilang pahayagang internasyonal ang paghihigpit sa subscription ng kanilang mga edisyon – online at print.

Meron pa ngang mga pag-aaral na kung hindi susunod sa kampanyang less paper o paperless ang isang tanggapan, magiging sangkot ito sa paninira ng kapaligiran. Kung hindi raw maiiwasan, sapat na ang pag-iimprenta ng isang kopya ng dokumento; naririyan naman daw ang email, ang PC na may mataas na memory sa pag-imbak ng maraming dokumento, ang USB, ang compact disc, at iba pa.

Matatandaang pati ang malaking kompanya sa daigdig na Kodak ay nagpahayag ng sobrang pagkalugi dahil halos wala nang pangangailang mag-print ng mga larawan ang mga tao.

TABLOID CONCERNS

Sa napipintong paglalathala ng Malacañan ng tabloid, heto ang mga dapat alalahanin:

  1. Sino ang target reader o mambabasa?
  2. Magkano ang isang kopya?
  3. Ano at paano ang sistema ng pamamahagi?
  4. Sino ang tagapamahagi?

Ang mambabasa – sakaling marunong ngang magbasa – ay dapat alaming maigi. Siya ba yung walang hanap-buhay o underemployed at nais makabasa ng seksyon ng tabloid tungkol sa mga bakanteng hanap-buhay (job openings) na kanyang mapagpipilian?

Nahanap ba natin ang uri ng mambabasang naghahanap ng mga bagay na may makabuluhang impormasyon, edukasyon at komunikasyon (IEC materials) na kung hindi niya mahahanap ay nahaharap sa kritikal na suliranin ng kawalan ng trabaho, pabahay, pagkain sa araw-araw, kasuotan, at tuition fee sakaling may pinag-aaral?

Kung hindi ganoon ang uri ng mambabasa, natitiyak nating meron na siyang kaalaman sa kung saan makahihiram ng IEC materials o kung sinu-sino ang meron nito sa kanyang lugar.

Sa (1), mas maiging ibaling ang atensyon ng pamahalaan, sa pakikipag-ugnayan sa DSWD, kung sino ang target na mambabasa. Imposibleng may mambabasang magsasabing, “Itong tabloid ng pamahalaan ang bibilhin ko kaysa sa kung anong nangungunang pahayagang komersyal.” Ang hinuha (assumption) natin dito: Kung ano yung may presyong pahayagan, yun ang maaasahan; hindi baleng may kamahalan ito basta’t malaya ang pamamahayag at naroroon ang matalinong pagbabasa (intelligent read).

Imposible ring kakagat tayo sa kagustuhan ng taong siya’y maaliw, kung ito man ay hindi pangangailangan. Lahat naman ng bahay, mayroong TV – ipagpalagay na nakakapagbayad ng kuryente – kaya magkasya na lang sa paghahanap ng “aliw” sa telebisyon.

Lalo naman kung marunong gumamit ng computer at nakakapag-Internet. Hindi siya nabibilang sa karapat-dapat pagkalooban ng libreng tabloid ng pamahalaan. Sa diskusyon sa (1), malinaw na ang rekomendasyon natin: Kung hindi maiiwasan ang pamamahagi ay ipamahagi ang tabloid nang walang anumang bayad sa mga maralitang taga-lungsod, sa mga hikahos sa pook-rural, sa matatagal nang walang sapat na kinikita para sa kani-kanilang pamilya, pati run sa matagal nang pinagtitiisan ang pamamayagpag ng bentahan ng shabu, marijuana, Ecstasy, ilegal na pasugalan, at iba pang salot ng lipunan.

Nagawa na ito ng mga kompanya ng media sa ibang bansa at kinalaunan, gumaya sa magandang mithiin ang Inquirer nang maglabas ito ng Libre, isang libreng tabloid para sa mga pasahero sa LRT at MRT.

Sa (2), rekomendasyon nating gawing walang bayad sa mambabasa – nabanggit na natin kung sinong mambabasa iyon. Hanggat maaari, ninanais nating matupad ang mithiin ng Estado ayon sa Saligang-Batas na palakasin ang pamumuhunan sa bansa, at ang atmospera ng free enterprise para sa mga Pilipinong negosyante o magnenegosyo pa lamang.

Kung may bayad para sa ibang mamamayan ang tabloid mula sa PCOO – ipagpalagay nating merong siyang kakayahang bumili ng tabloid – hindi ba’t maliwanag itong anti-poor? Sa pangalawang yugto ng unang seksyon ng Bill of Rights, nakasaad “nor shall any person be denied the equal protection of the laws.”

Bakit hindi isalin sa Filipino ang mga nilalaman ng tatlong nangungunang broadsheets, maging ang Manila Times, The Standard, Malaya, BusinessWorld, Business Mirror, Daily Tribune, ang tabloid na Tempo, ang Rappler at ang “best society and politics blog in the Philippines” na raissarobles.com?

Halos kalahating milyong piso ang tinatanggap ng Inquirer kada linggo mula sa mga tumatangkilik sa kanilang advertisers, bukod pa ang kita mula sa mga bumibili ng broadsheet na ito. Milyong piso rin ang classified ads ng Bulletin kada linggo, bukod pa sa ibang kita ng pangalawang nangungunang pahayagan sa bansa. Ganun din halos ang kadikit nila sa kompetisyong Star sa advertising performance, pati sa dami ng mga bumibili ng broadsheet na ito.

Ibig sabihin, kung may mga tumatangkilik at nasusuportahan ng mga advertiser ang mga pahayagang komersyal at, sa kabutihang palad, maging libre ang mga ito, tiyak na ikatutuwa ito ng mga taong hirap na hirap bumili ng ikokonsumo niyang pagkain sa maghapon, lalo pa ang bumili ng alinman sa Big 3 broadsheets. Hindi na rin siya mahihirapang manghiram ng dyaryo upang bumasa ng mga bakanteng posisyon sa pamahalaan, pribadong sektor at iba pa.

O kaya naman ay ilathala ng pamahalaan ang award-winning news and current affairs programs, lalung lalo ang documentaries ng GMA-7, ABS-CBN at TV5. Ganun din ang dahilan: may mga tumatangkilik na advertisers na nagpapasok ng milyones sa kanila (bukod pa ang mga manonood).

Sinu-sino ba ang hihirangin ng Malacañan na magsisilbing mga reporter at editor ng tabloid? Sa tanong na magkano ang bawat kopya ng tabloid, mas maiging malaman muna kung libre rin ang editorial services ng mga manunulat nito. Mapapamahal, kung hindi man, mapapagastos lang ang taumbayan sa ganitong “serbisyo”.

Sa (3) at (4), dapat maliwanag at tuluy-tuloy (consistent) ang sirkulasyon, at matuto tayo sa mga tabloid na nagsara na ng operasyon sa kanilang komunidad o sa bansa at ninais na hindi magkautang sa mga manunulat at iba pang empleyado.

Meron bang official PCOO newsstand? Kung meron, sa anong eksaktong lugar ng barangay at sinu-sino sa mga pinuno ng barangay, social welfare officer, at katiwala sa pampublikong aklatanan ang daragdagan natin ng tungkuling makatuwang sila sa circulation management? Sa mga mangingisda, nawa’y huwag mabasā ang tabloid sa pampang o dagat. Makaiiging ibalot ang mga kopya nila. Sa mga magsasaka, ganoon din ang gawing patakaran sa pagbabalot nito at, mahalaga rin, may nakatalagang newsstand o matatag na lagayan dahil baka tangayin lang ng hangin ang mga kopya nila o kaya naman ay maputikan.

Sa elementarya’t sekundaryang paaralan, baka maaari ring idaan na lang sa kanila ang kopya ng mga tatay at nanay nilang mambabasa ng tabloid bukod pa sa maging ang mga mag-aaral natin ang magbebenepisyo sa pass-on readership nito.

Nabanggit din lang ang mga mag-aaral, hindi ba’t napamahal din ang kanilang paaralan sa gastusin sa kani-kanilang pahayagang pang-kampus at kinalauna’y hindi na sila sumisingil ng journalism/school organ fee. Marami nang nabawasang pahayagang pang-kampus sa dati nilang nilalahukang kompetisyon sa Schools Press Conferences ng kanilang dibisyon, rehiyon at pam-Pilipinas.

Maligayang bati sa pagkakahirang sa iyo at pagpalain ka ng Diyos, Ginoong Andanar.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s