RAMADAN – A Month of Fasting, Feasting & Fun

PASALUBONG. Dates

Halos nasa kalagitnaan na ng buwan ng Ramadan dito sa Saudi Arabia, at talagang feel na feel mo na ang atmosphere ay ibang-iba na.  Pag gabi ay mapapansin mo na ang makukulay na ilaw na kumu-kutitap sa iba’t ibang hugis na nakapalamuti sa mga poste ng ilaw sa mga main thoroughfares, especially sa mga lunsod ng Jeddah at Riyadh.  Dito sa Eastern Province ay hindi naglalagay ng mga ilaw dagitab sa mga poste. Mapapansin mo lang ang mga supermarket

at mall ay napapalamutian ng banners na kulay red, white and blue in the form of an ancient lantern.  Mga alas-kuwartro pa lamang ay punung-puno na ng mga mamimili ang mga supermarket na karamihan ay nagmula pa sa kanilang mga trabaho.

Nang bagong dating ako dito, ang pagkakaalam ko sa Ramadan ay isang buwan kung saan ang lahat ng Muslim, mga lokal at dayuhan, ay nag-aayuno.  Ang ayuno sa mga Muslim ay ang hindi pagkain at pag-inom buong maghapon, mula sa pagsikat ng araw at sa paglubog nito. Within this fasting, Muslim men and women also abstain from sexual activities and other vices like smoking, gambling and even watching tv, avoid unnecessary noises and foul-mouthing others, and also to give some amount to the poor and needy people. Usually ay late pumasok ang karamihan at ang mga Sauding nagtatrabaho ay bahagya nang magtrabaho.  Ang mga non-Muslims (Christians, Hindus, Buddhists at kung anu-ano pa) ay mayroon namang privilege kumain at uminom, but not in front of any Muslim.  Ang karamihan sa mga kompanya dito ay binibigyan sila ng designated na lugar para sila makakain nang di nagagambala ang mga Muslim.  Sa pag-uuwian, laging mas maaga ang mga “M” at karaniwan, lalo na ang mga Saudis, ay nagmamadali kaya karamihan sa kanila ay naaaksidente.  Mas malakas ang mortality rate ng mga Saudis pag Ramadan, base sa statistics.  Ang idinadahilan nila ay ang gutom at kawalan ng tulog.  Usually kasi ay umaga na sila kung matulog, mga alas-tres o alas-kuwatro ng madaling-araw dahil hinihintay na nila ang Fajr o iyong unang pananalangin nila sa madaling- araw.  Magdamag silang naglalaboy sa mga lansangan sakay ng kanilang magagarang kotse.  Ikaw nga ay nagu-good time sila, at minsa’y may kasama pang panghahabol sa mga kababaihan sa lansangan.

Kung minsan, may mga “Samaritanong” namimigay ng mga tubig na inuming nasa maliliit na bote, magkaminsa’y may kasamang ilang pirasong dates, sa mga panulukang-daan, bago magsimula ang Maghrib o iyong pang-apat na congregational prayer nila.  These are free of course. Mula sa Id al Fitri, o iyong simula ng kanilang breaking of fast (o breakfast, where the actual meaning of the word came from) right after ng pagsigaw mula sa mga minaret ng mosque, hanggang sa makatulog ang mga Saudis, sila ay panay ang inom ng tsa (o shay sa kanilang lengguwahe) at ang pagkain ng kung anu-ano, mula sa kabsa, samboosa (parang lumpia na may lamang either gulay, cheese o kaya’y karneng baka o laham (tupa) at nakatiklop na pa-triangle at ipiniprito hanggang maging kulay brownish), falafel, gulay na dinurog at may konting sabaw at siyempre, may kobos o tinapay na parang long playing album noong araw. Isa pa sa karaniwang handa sa Ramadan ay ang walang kamatayang dates o bunga ng palmerang karaniwan dito.  Ang dates ay available sa kahit anong uri ng tindahan all year round. Medyo nasanay na sila sa pagpepreserve ng prutas na ito that comes in different colors and tastes. May mapulang-mapula na matamis at may madilaw na medyo matigas pa, subalit very crunchy pag kinagat mo.

May iba’t ibang paraan din ng pagdiriwang ng Ramadan. Ang children parks ay karaniwang punung-puno ng mga bata, kasama ang mga magulang nila, kabuntot ang mga yaya siyempre.  Nagkakaroon ng mga fireworks sa Corniche ng Jeddah at Al Khobar. May mga espesyal na tolda (tents) na pinagdarausan ng mga grupu-grupong kalalakihan na nagpaparaos ng buong magdamag sa pagkukuwentuhan, pag-inom ng shay at minsa’y pagsasayaw kasabay ng saliw ng musika ni Michael Jackson!

Every morning, kawawa ang mga Bengali at Indiano na naglilinis ng mga kalat nila sa lahat ng dako. At pagkatapos ng Ramadan, halos kalahati ng populasyon nila ay tumaas ang timbang as a result of their so-called fasting.  Marami sa Saudi ay diabetic due to their lack of exercise and love of being idle, especially during the month that they should be shedding off these excesses. Ned Samar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s