Kontra-droga kinasa, kilalang tulak ng shabu sa San Pedro’t Biñan, patay sa engkwentro

SAN PEDRO CITY, Laguna – Nanlaban sa pulisya at napatay ang kilalang tulak umano ng shabu sa mga Lungsod ng San Pedro at Biñan, Laguna sa isang engkwentro noong ika-23 ng Hunyo.

Tinutukan at nakibalita sa telebisyon ang mga kalugar ni Allan Naval upang malaman at mamukhaan kung kilala nga nila ang pinaghinalaang tulak ng droga.

Nakakalaro pa nila si Naval sa basketbol, banggit ng iba.

Tiklo muna siya sa buy-bust na isinagawa sa katirikan ng araw at maraming tao dahil napakalapit ng tirahan ni Naval sa talipapa sa dating riles ng tren na may tahimik na pamayan sa tinatawag ring “Taas” sapagkat napapagitnaan at nasa tuktok ang pook-Maligaya ng mga subdibisyong Chrysanthemum at Olympia.

Dumarami ang boluntaryong sumusuko na sangkot sa ipinagbabawal na gamot dahil sa takot na mapatay sa operasyon ng Philippine National Police na may pahayag noong isang linggo na higit 50 katao na ang napatay sa pinaigting na kontra-droga. Sa sumunod na linggo, higit 100 na ang bilang.

Nasa iba’t ibang panig ng Mega Manila ang pinaigting na kampanya, kabilang ang Meycauayan, Bulacan at Taguig City.

Sa Visayas at Mindanao rin nagaganap ang matindi at madugong aksyon ng pulisya. Nagpahayag na ng pagkabahala si Senate President Franklin Drilon sa kanyang nababalitaang pagpatay sa mga napaghihinalaang tulak ng droga sa Iloilo, bagamat sumusuporta siya sa pagtutok ng papaupong administrasyon hinggil sa peace and order.

Nauna nang tumutol sa mga pagpatay ang Commission on Human Rights. Inoobserba raw ang karapatang pantao sa lahat ng oras; kung ang mga nahatulan ngang guilty beyond reasonable doubt ay hindi pinapatay, iyon pa kayang kahuhuli pa lamang.

“In 3-6 months,” malalansag ang droga (at iba pang krimen) sa pangako ni Mayor Duterte noong tumatakbo siya sa halalang pampanguluhan. At noon ngang ika-9 ng Mayo, siya ang pinili ng nakararami. DCA

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s