NCAA umiinit; mga nag-ipon ng lakas bago mag-UAAP, sinu-sino?

Mega Ronda sa Isports

Adamson-San Beda pre-season game

 Umarangkada na ang gilas – hindi ng Gilas Pilipinas ‘pagkat marami pa silang kakaining bigas bago makapag oh oh Olympics – ng mga mag-aaral-basketbolista sa pagsisimula ng matandang ligang NCAA.

Hindi rin pahuhuli ang mga kababaihan sa volleyball at basketball dahil sa kani-kanyang kabilaang nilalahukang liga na televised din sa 5 at 23.

At sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ng Arellano Chiefs na masungkit ang NCAA basketball championship dahil isa sila sa pinaniniwalaang mahirap malalaglag sa Final 4. Pumangalawa sila sa De La Salle Green Archers sa pre-season tournament na Filoil Flying V Premier Cup noong nakaraang buwan.

Ngunit hindi basta-basta susuko ang defending champs Letran Knights at karibal na San Beda Red Lions para mamayagpag muli kaharap ang sandamukal na fans at alumni ng mga koponang ito sa pagpapatuloy ng mainit na sagupaan sa NCAA.

Kung sa kabilang liga ang pag-uusapan – as if kinukulang sa usapang-basketbol – aabangan ang dalawang laro sa two-round elims ng Ateneo-La Salle, habang nasa mga kokote na ng defending UAAP titlists FEU Tamaraws kung paano paghahandaan ang ibayong lakas ng Adamson Falcons, UE Red Warriors, at NU Bulldogs.

Sa umaasang madaragdagan ang tropeo noong 1986 sa Diliman, pang-background sa mga selfie ng mga Iskolar ng Bayan, walang nakaaalam kung not-enough-fighting UP Maroons pa rin sa bagong coach nilang si Bo Perasol, alumnus ng UP na naunang nagturo kina Kiefer Ravena at mga Atenistang huling nagkampeon noong panahon pa ni ex-coach Norman Black.

Sa halos tatlong dekada, tinututukan parati ang NCAA at UAAP kahit hindi sila commercial leagues dahil sa kanila nagmumula ang mga katulad ni Benjie Paras, ang una’t hindi nasusundang rookie-MVP ng propesyunal na ligang PBA.

May mangilan-ngilan ding napabibilang sa talaan ng Pambansang Koponan sa Basketbol. Sa mga nagdaang buwan, puspusan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para masungit mismong ang kampeonato sa isang qualifying tournament na magiging tiket nila sa Rio Olympics.

Ngayon na lamang naging napakaigting ang suporta ng mga negosyante sa Pambansang Koponan sa kabila ng pagiging paboritong laro ito ng mga Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo. Nakita ng mga negosyante ang kagandahan ng pamumuhunan sa mga basketbolistang nasa kolehiyo hanggang sa sila’y makapag-pro at magkaroon ng pagkakataong sumabak sa pandaigdigang palaro, taas-noo’t bitbit ang watawat ng Pilipinas. DC Alviar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s