Pampublikong paaralan, inalala’t pinahalagahan ng anak ng magsasaka sa Isabela na si Butuyan

I grew up in the 1970s in a small provincial town where kids from poor, middle-income, and rich families all went to the same public elementary school. I have fond memories of and give profuse words of praise to the excellent and dedicated teachers who molded our impressionable young minds.

(Lumaki ako noong mga 1970 sa isang maliit na bayan sa probinsya kung saan ang mga batang galing sa mga pamilyang mahihirap, may katamtamang kita, at mayayaman ay pare-parehong tumungo sa pampublikong mababang paaralan. Nakaaantig sa damdamin ang aking mga alaala at binibigyan ko ng labis-labis na salita ng pagpupuri ang mga napakahuhusay at mga dedikadong guro na huminang sa aming mga impresyonable at murang kaisipan.)

Nowadays, parents will go to great lengths of financial somersaulting to send their children to private schools. There is now an unspoken feeling of embarrassment when one can only afford to send one’s kids to a public school.

(Sa kasalukuyang panahon, susuungin ng mga magulang, gaanumang kasidhi, ang anumang maaaring pagkakitaan para maipada ang kanilang mga anak sa mga pribadong paaralan. Mayroon na ngayong di-mabigkas na pakiramdam na hiya kapag nakayanan lamang ng isa na magpaaral ng mga anak sa pampublikong paaralan.)

Public schools have become the no-choice destination of children whose parents cannot afford private schools. But we cannot blame parents whose aspiration is to provide their children with the best education.

(Naging destinasyon ang mga pampublikong paaralan ng mga batang ang mga magulang ay hindi kayang tustusan ang kanilang pag-aaral sa mga pribadong paaralan. Ngunit hindi natin masisisi ang mga magulang na may aspirasyong bigyan ng pinakamagandang edukasyon ang kanilang mga anak.)

The decline in the quality of education in our public schools needs to be addressed not merely with a lengthening of the years of schooling but, more crucially, with an investment of considerable resources to improve the quality of those lengthened years. (Something should also be said about the philanthropy of business tycoons who make huge donations to top universities, where school buildings are named after them. A more earnest demonstration of philanthropy would be to channel donations to state universities in the provinces, where improving lives through academic empowerment will create the biggest impact.)

[Marapat lamang lutasin ang pagbagsak ng kalidad ng edukasyon sa ating mga pampublikong paaralan hindi lamang sa pagdadagdag ng mga taon sa pag-aaral kundi, mas krusyal pa, maging sa pamumuhunan sa malalaking resources upang maiangat ang kalidad sa naidagdag na mga taon. (Meron ding dapat masabi tungkol sa pilantropiya ng mga malalaking negosyanteng may di-matatawarang donasyon sa mga nangungunang pamantasan, kung saan nakapangalan sa kanila ang mga gusaling pampaaralan. Mas masidhing pagpapakita ng pilantropiya ang i-channel o idaan ang mga donasyon sa mga pang-estadong pamantasan sa mga probinsya, kung saan ang pagpapaginhawa ng mga buhay sa pamamagitan ng akademikong pagpapapalakas o empowerment ay lilikha ng pinakamalaking epekto.)]

The proliferation of private schools as a hugely profitable line of business—with even business moguls competing to acquire private schools—is a testament to the deterioration in the quality of learning provided by our public schools.

(Ang mga nag-uusbungang pribadong paaralan bilang isang masyadong napagkakakitaang linya ng negosyo – na mayroon ring mga nagkokompetisyong malalaking negosyante para makakuha ng mga pribadong paaralan – ay isang katibayan ng pagpangit ng kalidad ng pagtuturong naibibigay ng ating mga pampublikong paaralan.)

This is most unfortunate because education provides the only means available for poor children to somehow level the playing field with rich children.

(Lubhang nakalulungkot ito sapagkat edukasyon lamang ang nakapagbibigay ng paraan na bukas para sa mga batang mahihirap upang kahit papaano’y makapantay sila sa pakikipagtagisan sa mga batang mayayaman.)

We are brought into this world with an unequal distribution of blessings and bad fortune. Some are born to rich families, and many others are born to families mired in grinding poverty. Some are born to irresponsible parents, others are born to exemplary parentage. Some are born with exceptional talent, others are born with extraordinary grit. The illustrations of how we arrive in this world with uneven benediction and misfortune can be endless.

(Dinala tayo sa mundong ito na may di-pantay na distribusyon ng mga pagpapala at masamang kapalaran. Ipinanganak ang iba sa mga pamilyang mayayaman, at meron namang isinilang sa mga pamilyang lugmok sa kahirapan. May ibang ipinanganak ng mga iresponsableng magulang, ang iba’y isinilang na may kahanga-hangang kapamilya’t kamag-anakan. Sumibol ang iba na may napakagandang angking talento, yung iba’y isinilang na pagkagaling-galing. Maaaring walang katapusan ang mga ilustrasyon kung paano tayo dumating sa mundong ito na may di-patas na benediksyon at pangit na kapalaran.)

Education enables those who are born with hard luck to have a fair chance at overcoming the misfortune that life has unfairly given them. Of course, there are those who never had adequate education but, through determination and street smarts, were able to build business empires; however, we can count their number with our fingers.

(Edukasyon ang nagbibigay ng patas na pagkakataon sa mga di-masyadong pinalad noong sila’y isilang upang makaahon sa kapalarang bigay ng kanilang buhay.)

Education has enabled and will continue to enable multitudes of people to escape poverty. Education is poverty’s most effective antidote.

(Edukasyon ang nagbigay at patuloy na magbibigay sa maraming tao upang makaagpas sa paghihikahos. Edukasyon ang pinakamabisang lunas o antidote sa kahirapan.)

Many of our landless forefathers were able to break free of the poverty that shackled their ancestors to miserable lives because they obtained quality education that equipped them with the skills and know-how to fashion better lives for themselves.

(Marami sa mga ninu-ninuan nating walang lupa ang nakaahon sa kahirapang pumiit sa mga ninuno natin sa miserableng buhay dahil nakatamasa sila ng de-kalidad na edukasyon na nag-armas ng mga kakayanan at kaalaman para sila makapamuhay nang mas maginhawa.)

Education remains the only ticket available for poor children to escape the cycle of hardship.

(Nananatiling edukasyon ang tiket na bukas para sa mga batang mahihirap upang matakasan ang siklo ng pagdarahop.)

Our politicians should realize that no matter how bountiful the treasures they leave to their children and grandchildren, material wealth can disappear in an instant because of irresponsibility, sickness, business reversal, and other life uncertainties that can make their descendants join the ranks of the poor.

(Dapat mapagtanto ng mga pulitiko natin na gaano man kalago ang kayamanang iiwan nila sa kanilang mga anak at mga apo, madali ring maglalaho ang materyal na yaman dahil sa kawalang-responsibilidad, karamdaman, pagbabagong-takbo ng negosyo, at iba pang kawalang katiyakan na maaaring maging sanhi upang mapabilang sa mga mahihirap ang kanilang lahi.)

And when these descendants get mired in the quicksand of poverty, it will be close to impossible for them to claw their way back to prosperity without a good education. Deprived of resources to attend private schools, they will suffer their forefathers’ neglect of the public school system.

(At ‘pag nalugmok sa kumunoy ng kahirapan ang kalipi nilang ito, malapit sa imposible na makabalik pa sila sa kasaganaan nang walang magandang edukasyon. Napagkaitan ng resources para makadalo sa mga pribadong paaralan, sila’y daranas ng kapabayaan ng kanilang mga ninuno sa sistema ng paaralang pampubliko.)

Investing in an excellent public school system is the only way for those who are born into poverty, and those who fall from wealth to poverty, to have a fresh start at competing for life’s bountiful rewards. It is the tried and tested key to solving poverty.

(Ang pamumuhunan sa ekselenteng sistema ng paaralang pampubliko ang tanging paraan para sa mga ipinanganak sa kahirapan, at sa mga nalaglag mula yaman patungong hirap, na magkaroon ng bagong simula at pakikihamok sa mga magagandang gantipala ng buhay. Ito ang subok na subok na susi sa pagtugon sa kahirapan.)

Orihinal na isinulat sa “Flea Market of Ideas” ni Philippine Daily Inquirer columnist Joel Ruiz Butuyan noong ika-27 ng Hunyo 2016. Tunghayan ang kabuuan ng kolum ni Atty. Butuyan, isa sa mga anak ng retiradong guro sa pampublikong paaralan at magsasaka mula Isabela, sa http://opinion.inquirer.net/95388/key-solving-poverty. Pagsasalin sa Filipino ni DC Alviar.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s