Ring ng Gilas, pinalaki sana

Gaya ng inaasahan, masakit mang tanggapin, bigong makapasok sa Olympics ang Gilas Pilipinas dahil hindi nito kinaya ang mga bansang lumahok sa FIBA Olympic Qualifying Tournament 2016.

Nagkampeon si NBA superstar Tony Parker at ang France, na unang nagpadapa sa host Philippines. Dinala niya sa 2016 Rio Olympic basketball tournament ang kanyang bansa, na lubos ang pasasalamat sa kanya dahil pa-retiro na siya.

Kahit dumating sa arena si Pangulong Duterte at kahit napakalaking suportang pinansyal at moral ang natamo ng Gilas Pilipinas, hindi pumabor ang agham ng laro.

Napakataas ng antas ng basketbol ng mga katunggali ng mga Pilipino, hindi sumapat ang talento. Inikutan lang ang maluwag na depensa ng Gilas Pilipinas, habang namayagpag naman ang talento’t laki ng kanilang mga kalaban.

Siguro bukod sa tatlong Andray Blatche, kailangan yatang palakihin ang ring ng mga Pinoy na nabigyan ng homecourt advantage dahil konting tiin na lang, abot na ng mga dayuhan ang ring at, ika-nga, ilalagay na lang ang bola. Samantalang ang pinakamagaling na makikita mong move na ankle breaker crossover ay kay Terrence Romeo, pero wala namang dagdag na kahit isang punto lang para sa Gilas Pilipinas.

Gayunpaman, kung uunawain ang kasaysayan ng partisipasyon ng Pilipinas sa Olympics, medyo lumapit na ito sa tsansang hindi lang makalahok muli kundi magkapanalo pa sa Olympics. DC Alviar

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s