Iskolar ng Bayan, Hinimok ng Pangulo ng UP, Bagong Chancellor ng UPOU na Magpakumbaba ‘Para sa Bayan’

LOS BAÑOS, Laguna – Nakasuksok kasi sa sinturon ng mga nagsipagtapos ng Unibersidad ng Pilipinas ang elitismo, kaya ang anyo ng pagmamataas na ito ng mga Iskolar ng Bayan ang nais ipaiwas ng pangulo ng UP at bagong chancellor ng Open University.

Sa talumpati ng panauhing pandangal sa Araw ng Pagtatapos ng UPOU sa Los Baños, Laguna na si UP President Alfredo Pascual at sa Panunumpa at Pagtanggap sa Tungkulin ni UPOU Chancellor Melinda dela Peña Bandalaria, hinimok nilang maging kabahagi (partner) ang bawat Iskolar ng Bayan sa paglilingkod sa bayan, sa halip na unahin ang sarili.

Nakapagpapasira ang elitismo sa reputasyon ng UP, ayon sa pangulo ng pamantasan.

Sinegunduhan naman ito ng chancellor, sabay ang panghihikayat sa higit 300 nagsipagtapos na makipagtulungan sa kanya at sa mga bumubuo ng pamunuan at paguruan ng Pamantasan, anupat ang dating mga chancellor at administrasyon ay nagbigay kapanatagan na sa mga dapat na tunguhin at hakbang ng hinaharap.

“Kabilang (sa pagtanggap ng mga titulo) ang pagiging mahusay sa inyong mga gawain, ang pagiging marangal sa inyong pagkilos at pakikipag-ugnayan, ang pagyakap sa serbisyo publiko at paglilingkod sa bayan sa iba‟t-ibang pamamaraan, at ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa,” ani Chancellor Bandalaria. DC Alviar

Coverpage

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s