Dear Wreck

Merong bagong itinalagang pinuno mula sa labas ng aking tanggapan. Lubos ang suporta ko sa kanya. Napakabata ko pa noon, at wala talaga akong pwedeng maipagmalaki. Nataon siguro’y wa-epek ang suporta kong iyon sa kanya o kaya naman ay sinusubukan lang niya ako. Sa pagpapailalim ko sa kanyang pagka-direktor, dumami, kung hindi man lumobo ang aking tungkulin bilang punong patnugot. Patuloy pa rin ako sa pagsuporta sa aking bagong hepe.

Heto naman ang pangulo ng aming institusyon. Tinanong niya kung ano na ang nangyayari sa dyaryo, sa mga publikasyon, sa operasyon ng aming tanggapan nang dumating ang apat na buwan ng pagsasama namin ni direk. May tinig ng pagkainis sinabi ng pangulo sa akin, “(DC), wala ka nang ginagawa!”

Sa kalagitnaan ng saradong pintong usapan naming dalawa sa harap ng pangulo, lumabas ang sukli ng pagsuporta ko sa direktor.

Malawakan ang pagsira niya sa akin; anupa’t mismong ang pangulo’y nadala sa paninirang iyon kabilang ang pag-angkin sa mga gawa ko. Akala niya, kay direk ang mga lathalain samantalang lahat ng iyon ay akin.

Kinalaunan, lumabas ang katotohanan sa mga pormal na pagdinig. Sa loob lamang ng apat na buwan ng kanyang pamamalagi sa pribadong institusyong iyon,siya’y minarapat ng pangulo at ng mga pangalawang pangulo na pwersahin magbitiw sa pwesto si direk. Saka na lamang ako nakahinga nang maluwag sa kanyang tuluyang paglisan.

(Hugot ni DC Alviar. Lumang kwento ngunit may pangmatagalang pagkatuto.)

dear-wreck

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s