VisMin bagong koridor sa pag-unlad

Cover_SM

CEBU CITY – Kinokonsidera ngayon bilang bagong mga papaunlad na rehiyon ang Visayas at Mindanao na may kontribusyong 26.9% sa gross domestic product (GDP) ng bansa, ayon sa SM Investments Corporation.

“VisMin is a new growth region for SM where significant opportunities await investors. Its underserved markets are hungry for the kind of aspirational products and services that SM tends to bring into its development,” ani Corazon P. Guidote, SM senior vice president for Investor Relations.

Naglaan na ang SM ng 170-bilyon hanggang 180-bilyong piso kada taon sa isang agresibong expansion bid sa Pilipinas, dahil na rin sa momentum ng lumalakas na lokal na ekonomiya.

Ang unang mall nito sa Visayas ay ang SM City Cebu na binuksan noong 1993. Sinundan ito ng Radison Blu na binubuo ng 396 silid. Binuksan ito noong Oktubre 2010.

Nagbukas naman ang SM City Consolacion sa Cebu noong 2012 at SM Seaside City Cebu 2015.

Ang SM Prime ay may kabuuang limang mall sa Visayas, kabilang ang SM City Iloilo at SM City Bacolod na may pinagsamang gross floor area na higit 1M square meters.

Sa Mindanao, ang SM Prime ay may apat na mall – SM City Davao at SM Lanang Premier sa Davao City, SM City Cagayan de Oro at SM City General Santos na may pinagsamang gross floor area na higit 490,000 square meters. Mars W. Mosqueda Jr., Manila Bulletin, 23 Agosto 2016

sm-prime_caption

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s