Ang wikang Filipino at ang dati kong guro (Video)

Ni DC Alviar

“Kung awiting pambata ay nagbabago, ganoon din ang wika. Sa loob ng classroom, apat na dekada na si Mila Villanueva sa pagtuturo ng Filipino. Napansin niya ang madalas na pagkakamali ng mga estudyante sa pagbaybay at balarila o grammar. Malaki raw ang epekto ng teknolohiya sa pagpurol ng ilang mag-aaral.”

filipino-teacher-mila-villanueva

Bahagi ito ng paglalarawan ng GMA-7 sa suliranin ng Pilipinas sa wastong paggamit ng wikang pambansa ng maraming kabataan sa ngayon.

Bukod pa sa plug nito sa website, ito naman ang pagkakasulat ng programang pantelebisyon sa YouTube channel ng GMA Public Affairs, “Upang mapalawig ang kaalaman ng mga kabataan sa wikang Filipino, dapat daw ay mapaigting ang pagtuturo at paggamit nito sa mga paaralan, ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino.”

Muli nating balikan ang usapin sa “Investigative Documentaries” ni Malou Mangahas at pakinggan ang  pagsusuri’t ekspertong opinyon ni Ma’am Villanueva sa:

Awit at Wika (1 September 2016 Episode)