GM Jurado Paper: Growth Models, Development Planning, and Implementation in the Philippines

pidspjd03-1models

megamanilascene2bydcalviar

“Has Philippine development planning benefited from the wisdom, if any, of economic growth theory? Has plan improvement, if it has occurred, resulted in the enhancement of plan implementation? What has been the impact of the intervention necessitated by plan implementation on the development of market forces?” (“Nakikinabang ba ang pagpaplano ng kaunlaran ng Pilipinas sa karunungang hatid ng teoryang pang-ekonomiyang pag-unlad? Ang pagpapabuti ba ng plano kung nangyari nga kaya’y nagdulot naman ng pagpapaganda ng implementasyon sa plano? Ano ang kinahinatnan ng intervention o pakikialam na kinailangan sa implementasyon ng plano pagdating naman sa market forces o pwersa ng merkado?”)

Dr. Gonzalo M. Jurado asked these questions in a 2002 lecture for lecturers which was later published by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) a year thereafter. [Tinanong ni Dr. Gonzalo M. Jurado ang mga ito sa pagleleksyon niya sa mga lektor na nilathala naman ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ng sumunod na taon.]

inquirer-net

Photo courtesy of Inquirer.net

Jurado, a retired professor and economist, may have died (July 19, 2016 at the age of 86), but his wealth of research and practice in his field has become part of the effort to polish our local economic thoughts. [Yumao man si Jurado na isang retiradong propesor at ekonomista (noong Hulyo 19, 2016 sa edad na 86), ngunit nananatiling malaking bahagi sa pagpapahusay ng lokal na pang-ekonomiyang pag-iisip ang kanyang magagandang pananaliksik at kasanayan sa kanyang larangan. ]

He reminded us: “The growth models themselves have evolved over time. First, there was the classical model outlined by Ricardo some 200 years ago; then the initial version of the neoclassical model put forward by Harrod-Domar in the first few years after World War II; then the most influential Solow model of only a generation and a half ago; and now the new growth theory.” (Pinaalala niya sa atin: “Nagbabago rin sa paglipas ng panahon ang mga growth model. Una, mayroong klasikal na binalangkas ni Ricardo mga 200 taon na ang nakararaan; sumunod ang unang bersyong neo-classical hango kina Harrod at Domar sa unang mga taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pangdaigdig; pagkatapos ay ang pinakamaimpluwensyang Solow model noong 1 ½ henerasyon pa lamang ang nakalilipas; at ang ngayo’y new growth theory.”)

Sariwain natin ang kabuuan ng Growth Models, Development Planning, and Implementation in the Philippines (attached in PDF) sa panulat ni Jurado mula sa http://dirp3.pids.gov.ph/ris/pjd/pidspjd03-1models.pdf

megamanilascenebydcalviar

megamanilascene3bydcalviar

“The (deregulation and globalization-focused) strategy that began in the 1980s placed strong emphasis on the social sector—the channeling of more resources to education and manpower, health, nutrition, family planning, housing, and social services.” —GM Jurado, on page 20 of his paper

Homesickness

Marami sa mga Pinoy na nasa abroad ay dinadalaw ng matinding homesickness, na kapag di naremedyuhan kaagad ay maaring mauwi sa pagsu-suicide, pagkasira ng ulo o kaya’y pag-a-amok. Nakalulungkot na ng dahil sa kagustuhan ng maraming mga padre de familia (kahit na nga mga ina ng tahanan), na mabago ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya ay marami rin ang nauuwi sa wala o sa hindi magandang kahihinatnan. May mga pamilyang ng dahil sa kakulangan ng constant communication ay nagkakahiwalay, nagkakaroon ng panibagong “temporary family” sa abroad at kung magkaminsan pa nga’y nauuwi sa kaso sa husgado. I remember nang bago pa lamang akong nag-a-abroad, ang lagi kong reklamo sa asawa ko ay ang katamaran nya sa pagsulat, o kahit na sa pagsagot sa aking mga liham.  Di pa kasi uso noon ang cell phones at para makatawag ka lamang sa mahal mo sa buhay ay pipila ka sa isang linya na halos kalahating kilometro ang haba at ang singil noon ay mga SAR 12 per minute.  Suwerte mo kung nasa bahay ang tinatawagan mo.  Nang mauso ang phone cabin, medyo gumaan-gaan na ang pakikipagkomunikasyon.  And lately, thanks to modern technology, may cell phones na every few months ay may new revision, may Facebook, may Instagram, may WhatsApp, may Skype, may LinkedIn, may Tango, WiFi connections at kung anu-ano pang social media na nagke-cater sa lahat ng antas ng buhay at uri ng pamumuhay.  But before these media and technology innovations, it was really hard and common to be empowered by homesickness.  I remember nang isang hatinggabi ay ginising ako ng aking ka-roommate dahil nanaginip daw ako at umiiyak. Sa kanyang hinala ay homesick ako, kaya pinainom niya ako ng kapeng mainit at nagkuwentuhan kami until the wee hours of the morning.  Weekend naman kaya hindi ako masyadong nag-alala at pinagbigyan ko ang alok nya dahil mas matanda siya sa akin.

straight-from-the-middle-east_homesickness

Ang homesickness ay ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa sariling bansa ng isang nangibang-bansa para lamang kumita ng sapat na pera na di kayang kitain sa sariling bansa.  Ito’y dinaranas ng kahit sino sa lahat ng antas ng pamumuhay. Ang mga karaniwang dahilan ng pangungulilang ito ay kapag nakakaranas ang isang OFW o ng sinumang nangibang bansa ng pagsubok, hirap sa trabaho, mga problema sa pakikisama sa katrabaho o kasama sa pansamantalang tirahan.  Malimit dito pumapasok ang pagnanais niyang sana’y kapiling niya ang kanyang asawa o kung sinumang mahal sa buhay para may mapaghingahan ng kanyang sama ng loob.

Recently a skilled worker from Saudi Oger ay nagbigti dahil sa sobrang habag sa sarili sapagkat ilang buwan na silang di pinasasahod at ang kanyang pamilya’y pinagbibintangan siyang may iba ng pamilya sa Saudi Arabia.  This could have been avoided if there was proper communication between him and his family.  Kalimitan kasi sa mga Pinoy, especially iyong mga naiwan sa Pilipinas ng isang OFW, they rely too much on hearsays and rumors without verifying the facts.  Kapag wala kang pera, di ka sumasahod at wala kang pantawag, talagang magkakaroon ng problema.  Lalo na kung kinumpiska ng kompanya ang iyong Iqama (resident permit), just to be sure na di ka tatakas sa compound; di ka pwedeng bumili ng simcard dahil kailangan ang Iqama para i-register ito, together with fingerprinting.  Dito sa Saudi Arabia lahat ng simcard (maging mga internet simcard na pang mobile phone o WiFi) ay required na naka-register sa pangalan ng may-ari (o kung sinuman ang bumili nito), kaya’t lahat ng cell phone numbers ay may kanya-kanyang identifiable owners.  Isa sa mga rason dito ay para madaling ma-monitor ang mga may kinalaman sa kriminalidad. Nawa’y gawin din ang ganito sa Pilipinas para madaling ma-trace iyong mga gumagawa ng mga scams at sari-saring pandaraya sa kapwa.

Ayon kay Arianna Huffington, isang Greek American author, kolumnista, occasional actress, at businesswoman, ang homesickness daw ay ang pangungulila o paghahanap sa Diyos at ang naisin na maging buo o kumpleto ang mga sarili, tulad ng isang sundalong nawalay sa kanyang asawa na kahit anong gawing pagsisikap ay walang pwedeng makatighaw dito.

straight-from-the-middle-east-homesickness2

Pinakamatinding problema ng mga nangingibang bansa ay ang homesickness, especially kung first time nyang mawalay sa kanyang pamilya.  Ang maipapayo ko sa mga bagong nag-a-abroad ay ang maging aktibo sa mga sports o athletic activities at sumapi sa mga available na civic organizations para hindi siya ma-possess ng homesickness.

Karamihan sa mga nakakaranas ng homesickness ay iyong palaging nag-iisa o kaya’y hindi mahilig makipagsosyalan.  Pwede rin namang dumalo sa mga pagtitipong panrelihiyon.  May mga bansa dito sa Middle East na kung saan pinapayagan ang ganitong uri ng aktibidad sa isang lugar na sadyang inilaan o ipinagkaloob ng gobyerno para sila makapanambahan nang may kalayaan.   Sa Dubai ay may compound na kung tawagi’y St. Mary’s na kung saan ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo ay pwedeng magdaos ng services nang naayon sa napagkasunduan oras.  Bawa’t ministry ay may kanya-kanyang oras ng gawain alinsunod sa nakatakdang schedule na kalimitang nakapaskel sa bulletin board. Ganito rin sa Kuwait, Qatar at Bahrain.  Samantalang sa Syria, Iraq at Iran ay medyo delikado ang mga ganitong pagtitipon dahil sa paglaganap ng terorismo na karaniwang isinasagawa ng bagong anyo ng Islam, ang style ng IS – pag napag-tripan ka, either you end up being tortured or you die on the spot.  Naghahasik sila ng takot especially sa mga religious minorities tulad ng mga Christians (of all sects), Yazidis, Shi’ite Muslims, Kurds at iba pang relihiyon sa rehiyong ito. Sa Lebanon, although majority ang mga Christians dito na tinatawag na Maronites, hindi rin safe ang pagsisimba dito, gaya rin naman sa Egypt at Israel.

Bukod sa mga nabanggit ko na, ang isa pang paraan para maiwasan o mabawasan ang homesickness ay ang pagkakaroon ng hobby.  Maraming uri ng hobby o libangan – ito iyong mga karaniwang napag-uukulan mo ng pansin pag ikaw ay free o hindi busy, tulad ng pangungulekta ng mga coins (numismatics) o kaya’y mga selyo (philately), pag-aalaga ng mga isda sa aquarium, paghahalaman (either outdoor or indoor gardening), pagsa-surf sa Internet ng mga sites na nakalilibang at nakapagdaragdag ng kaalaman, pagguhit o pagdu-drawing (art/sketching), pagdidisenyo ng mga damit, pagsusulat, pananahi o pagbuburda (sewing/embroidery), pagluluto ng iba’t ibang putahe at kakanin, paglikha ng mga awitin (songwriting/composition) o iba’t ibang uri ng puzzles, pag-iipon ng mga seashells, mga mamahaling hiyas at bato (gemstones and rocks), iba’t ibang kulay ng buhangin mula sa disyerto at kung anu-ano pang mga bagay na pwede mong kulektahin sa bansang iyong kinalalagyan.  Kung gugustuhin ng sinuman, maiiwasan talaga ang homesickness dahil napakaraming kaparaanang magagawa.  Ang pinakamadali ay gawing busy lagi ang sarili at huwag mag-iisa. Mas makabubuti sa mga bagong dating sa ibang bansa na maghanap ng mga dati o bagong kakilala, kaibigan at barkada.

Ang karaniwang solusyon ng ilang Pinoy na naho-homesick ay ang pag-uwi kahit di pa tapos ang kontrata. Malimit ito ay may karugtong na pagsisisi o sisihan ng mga kaanak kaya. At ang nangyayari tuloy ang homesickness ay nababaligtad.  Ang gusto naman ng umuwi ay ang bumalik sa bansang pinanggalingan (o kaya’y sa ibang bansa) matapos niyang mapagtantong mali pala ang kanyang naging pasya. ‘Ika nga, pag narating mo na ang tulay, saka ka pa lang tatawid o malalaman kung paano mo ito tatawirin.

Madali ang magtrabaho, ang mahirap ay ang pakikisama sa mga kasama sa bahay o accommodation at sa mismong workplace.  Lalo pa nga’t naroroon ang pangungulila mo, mas titindi ang pangangailangan mo ng self-control dahil baka maging isa kang war freak.  Lahat ng salita mong maririnig mula sa mga kasama mo ay iba ang magiging dating sa iyo – at usually ay on the negative side.  So ito ay kalimitang nauuwi sa di pagkakaunawaan o kaya’y away na walang kakwenta-kwenta.  Marami naman sa mga kalalakihan ay umiinom ng alak na gawa locally ng mga kapwa Pinoy na nais magkapera, pero ang mga ito’y usually toxic at nakakabulag dahil sa kakulangan ng safety and hygienic procedures sa paggawa.  Pag ikaw naman ay nakapatay o nanakit ng kapwa, kalimitan ay sa bilangguan ang iyong bagsak.  And it would take months or years bago ka mahatulan at makalaya.  Pag nakapatay ka, either magbabayad ka ng tinatawag na blood money o mapupugutan ka ng ulo. Dapat ang mga bagay na ito ay isinasama sa idinadaos na PDOS na dinadaluhan ng mga nangingibang bansa, lalo na iyong papuntang Middle East na kung saan ibang-iba ang kultura at mga tradisyon na daratnan nila.

Sabi nga ng isang lumang awitin, “Napakasakit, Kuya Eddie.”  May kasabihan din sa Tagalog na “laging nasa huli ang pagsisisi.”

John Litten also quotes, “We don’t call it homesick.  We call it missing home.  There’s not a sickness involved, it’s a state of mind.”  This is very true indeed. Ned Samar

straight-from-the-middle-east-homesickness3

Mega Manila: The Continuing Tale of a City in Search of Itself

sam_3586

Editorial #2

Mega Manila, in a broader concept, goes beyond its literal and physical demarcation. As a geographical and political entity that draws Filipinos from all regions to interact, it unconsciously becomes an experiment in progress for nation-building.  In effect, it becomes a test case of what is working or not in the Philippine national development push.

Ang Mega Manila, sa isang mas malawak na konsepto, ay hindi lamang patungkol sa literal at pisikal na demarkasyon. Bilang isang pang-heograpiya at pulitikal na entidad na nag-eengganyo sa mga Pilipino mula sa lahat ng rehiyon na makihalubilo, ‘di sadyang nagiging tuluy-tuloy na eksperimento ito para sa nation building o pagbuo ng bansa. Ang epekto, nagiging isa itong test case o pagsubok kung gumagana o hindi ang pagtutulak ng pambansang pag-unlad ng Pilipinas.

The country’s experiment with nation building is undeniably still in a turbulent flux. Regional loyalties remain embedded in the psyche of a loose union of tribes that nominally and collectively called themselves Filipinos. Zooming in, the political landscape of fusing these peoples with guidance from the central authority in Manila is almost akin to the botched construction of the biblical Tower of Babel. The so-called intelligent banters among the powers-that-be in Manila is as gibberish for rural Philippines as the exchanges that eventually doomed the biblical testament to man’s folly and his ambition to play God to his kind. In an uncanny but similar act, Mega Manila has played that to the “lesser beings” of the provinces’ role for generations.

Ang eksperimento sa pagbuo ng bansa ay hindi maipagkakailang nananatiling nasa magulong pagkilos. Ang mga katapatang pangrehiyon ay nananatiling nakatanim sa kamalayan ng isang maluwag na samahang tribu-tribo na nominal at sama-samang nagtatawagang Pilipino sa isa’t isa. Kung palalakihin, sa tanawing pulitikal ng pagsasama-sama ng mga tao sa pamamatnubay ng sentral na otoridad sa Maynila ay halos maihahambing ito sa naunsyaming paggawa ng biblikal na Tore ng Babel. Ang tinatawag na pagmamarunong ng mga maykapangyarihan ay isa lamang satsat sa rural na Pilipinas na tulad ng mga usaping hindi naglao’y nakasira sa biblikal na testamento ng kahangalan ng tao at ng ambisyon niyang umaktong Diyos. Nakapagtataka ngunit may pagkakapareho, ang Mega Manila ay umaakto rin ng ganito sa “mga mabababang tao” sa papel ng mga probinsya sa maraming panahon.

The City is the cultural, political, social, and economic hub of the country that has become an unwitting guinea pig of Filipino interaction. Here, ideas are floated, improved, debated, approved, and pushed.  What works and what does not are readily seen. The cause and effect is evident.  The outcome is manageable when it turns awry, the good ones suggestive of working cure to the country’s ills. In a nutshell, Mega Manila is true to its huge form. It is a game changer if only it acts like one real and responsible centrifugal force.

Ang Lungsod ay isang kultural, pulitikal, sosyal, at ekonomikong sentro ng bansa na walang kamalay-malay na nagiging guinea pig ng pamPilipinong interaksyon. Dito, ang mga ideya ay lumulutang, gumaganda, napagdedebatihan, pinagsasang-ayunan, at itinutulak. Madaling makita kung ano ang gumagana at ano ang hindi. Kapansin-pansin ang cause and effect. Manageable o kayang pangasiwaan ang resulta kung nagiging pangit ito na nangangahulugan naman ng gumaganang paggamot sa sakit ng bansa. Sa madaling sabi, totoo sa malawak na porma ang Mega Manila. Game-changer ito kung umaaktong tulad ng isang makatotohanan at responsableng pwersang centrifugal.

Current attempts for Philippine nation building are trudging precariously. It is envisioned but left to evolve on its own messy way. Whether by omission or commission, the central authority in Manila sees the whole act as a role-playing game of sorts that is as handy as pushing the keys in one’s PC or Nintendo Wii. The trial and error approach still pervades the government. Politics and economics, as they unfold in the City, continue to waltz in a rhythm that is out of sync with the reality of Philippine society especially when cascaded down to the rural areas. In every assumption of administration, the outcome is always certain. Mega Manila speaks and acts big. It is where fortunes and misfortunes, where bloom and gloom are set and the rest of the country could just brace and embrace the outcome. And here too, the new power assumed to extinguish the old and reset everything to zero, with the money previously spent smoldering and opportunities wasted. It is where wheeling and dealing has become a favorite past time.

Ang mga kasalukuyang pagpupunyagi para sa pagbuo ng bansa ay delikadong umuusad. Naisasa-envision o naisasapananaw ito ngunit naiiwan sa sarili nitong masalimuot na daan. Omission or commission man ito, ang sentral na otoridad sa Maynila ay nakakikita ng buong kaganapan bilang isang parang larong role-playing na kasing handy, kasing dali ng pagpindot sa PC o Nintendo Wii. Dumadaloy ang pamamaraang trial and error sa pamahalaan. Ang pulitika at ekonomiks, habang nangyayari sa Lungsod, ay patuloy sa pag-waltz sa sablay na ritmo sa realidad ng lipunan ng Pilipinas lalo na kung naibababa sa mga pook-rural. Sa bawat assumption o palagay ng administrasyon, halos parating tiyak ang kahihinatnan. Malakas kung magsalita at kumilos ang Mega Manila. Naririto ang swerte at malas, nakatakda ang pag-usbong pati ang lumbay at ang tanging magagawa ng nalalabing bahagi ng bansa ay harapin at yakapin ang kahihinatnan. At dito rin sinisimulang sirain ng bagong kapangyarihan ang ang dating gawi at i-reset ang lahat ng bagay sa zero, dahilan upang masayang ang ginugol na pera at mga pagkakataon. May kinaaaliwan tuloy ritong panlilihis at pagmamaniobra.

If national development or the lack of it is contextualized in a broader picture, it is all but the mirror-image of what has been done or not, or what has succeeded or failed. So far though, this city of 10 million continues to reel with unbridled urbanization with all of its concomitant and very familiar fallout like crimes, corruption, traffic woes, and an obscene display of haves and have-nots.

Kung ang pambansang kaunlaran o kawalan nito ay nakakonteksto sa mas malawak na pagsasalarawan, ito’y isa lamang na pagsasalamin ng mga nagawa at hindi nagawa, o ang mga ikinatagumpay o ikinasawi.

In his speech during an anti-Marcos rally at the height of the 1986 Snap Election, then opposition stalwart Doy Laurel echoed it all: “Where Manila goes, so goes the nation.”

Sa talumpati niya sa isang demonstrasyong anti-Marcos bungsod ng Snap Election noong 1986, ang noo’y nangunguna sa oposisyon na si Doy Laurel ay nag-ulit ng lahat ng ito: “Where Manila goes, so goes the nation (Kung saan tumutungo ang Maynila, doon din ang bansa).”

It chose to go to EDSA after that. And the rest is history. Depending on who speaks, the color he painted for his experience during that period is either yellow, red, blue or worst, rainbow, if he wants to be on the safer side of things, literally.

Pinili nitong tunguhin ang EDSA pagkatapos nito. Kasaysayan na ang sumunod. Depende sa kung sino ang nangungusap, ang kulay na ipininta niya para sa kanyang karanasan noong mga panahong iyon, kung hindi dilaw ay pula, asul o ang masagwa pa’y bahaghari kung nais niyang nasa safer side o mas ligtas na panig ng mga bagay-bagay, sa literal.

sam_3616