Mega Manila: The Continuing Tale of a City in Search of Itself

sam_3586

Editorial #2

Mega Manila, in a broader concept, goes beyond its literal and physical demarcation. As a geographical and political entity that draws Filipinos from all regions to interact, it unconsciously becomes an experiment in progress for nation-building.  In effect, it becomes a test case of what is working or not in the Philippine national development push.

Ang Mega Manila, sa isang mas malawak na konsepto, ay hindi lamang patungkol sa literal at pisikal na demarkasyon. Bilang isang pang-heograpiya at pulitikal na entidad na nag-eengganyo sa mga Pilipino mula sa lahat ng rehiyon na makihalubilo, ‘di sadyang nagiging tuluy-tuloy na eksperimento ito para sa nation building o pagbuo ng bansa. Ang epekto, nagiging isa itong test case o pagsubok kung gumagana o hindi ang pagtutulak ng pambansang pag-unlad ng Pilipinas.

The country’s experiment with nation building is undeniably still in a turbulent flux. Regional loyalties remain embedded in the psyche of a loose union of tribes that nominally and collectively called themselves Filipinos. Zooming in, the political landscape of fusing these peoples with guidance from the central authority in Manila is almost akin to the botched construction of the biblical Tower of Babel. The so-called intelligent banters among the powers-that-be in Manila is as gibberish for rural Philippines as the exchanges that eventually doomed the biblical testament to man’s folly and his ambition to play God to his kind. In an uncanny but similar act, Mega Manila has played that to the “lesser beings” of the provinces’ role for generations.

Ang eksperimento sa pagbuo ng bansa ay hindi maipagkakailang nananatiling nasa magulong pagkilos. Ang mga katapatang pangrehiyon ay nananatiling nakatanim sa kamalayan ng isang maluwag na samahang tribu-tribo na nominal at sama-samang nagtatawagang Pilipino sa isa’t isa. Kung palalakihin, sa tanawing pulitikal ng pagsasama-sama ng mga tao sa pamamatnubay ng sentral na otoridad sa Maynila ay halos maihahambing ito sa naunsyaming paggawa ng biblikal na Tore ng Babel. Ang tinatawag na pagmamarunong ng mga maykapangyarihan ay isa lamang satsat sa rural na Pilipinas na tulad ng mga usaping hindi naglao’y nakasira sa biblikal na testamento ng kahangalan ng tao at ng ambisyon niyang umaktong Diyos. Nakapagtataka ngunit may pagkakapareho, ang Mega Manila ay umaakto rin ng ganito sa “mga mabababang tao” sa papel ng mga probinsya sa maraming panahon.

The City is the cultural, political, social, and economic hub of the country that has become an unwitting guinea pig of Filipino interaction. Here, ideas are floated, improved, debated, approved, and pushed.  What works and what does not are readily seen. The cause and effect is evident.  The outcome is manageable when it turns awry, the good ones suggestive of working cure to the country’s ills. In a nutshell, Mega Manila is true to its huge form. It is a game changer if only it acts like one real and responsible centrifugal force.

Ang Lungsod ay isang kultural, pulitikal, sosyal, at ekonomikong sentro ng bansa na walang kamalay-malay na nagiging guinea pig ng pamPilipinong interaksyon. Dito, ang mga ideya ay lumulutang, gumaganda, napagdedebatihan, pinagsasang-ayunan, at itinutulak. Madaling makita kung ano ang gumagana at ano ang hindi. Kapansin-pansin ang cause and effect. Manageable o kayang pangasiwaan ang resulta kung nagiging pangit ito na nangangahulugan naman ng gumaganang paggamot sa sakit ng bansa. Sa madaling sabi, totoo sa malawak na porma ang Mega Manila. Game-changer ito kung umaaktong tulad ng isang makatotohanan at responsableng pwersang centrifugal.

Current attempts for Philippine nation building are trudging precariously. It is envisioned but left to evolve on its own messy way. Whether by omission or commission, the central authority in Manila sees the whole act as a role-playing game of sorts that is as handy as pushing the keys in one’s PC or Nintendo Wii. The trial and error approach still pervades the government. Politics and economics, as they unfold in the City, continue to waltz in a rhythm that is out of sync with the reality of Philippine society especially when cascaded down to the rural areas. In every assumption of administration, the outcome is always certain. Mega Manila speaks and acts big. It is where fortunes and misfortunes, where bloom and gloom are set and the rest of the country could just brace and embrace the outcome. And here too, the new power assumed to extinguish the old and reset everything to zero, with the money previously spent smoldering and opportunities wasted. It is where wheeling and dealing has become a favorite past time.

Ang mga kasalukuyang pagpupunyagi para sa pagbuo ng bansa ay delikadong umuusad. Naisasa-envision o naisasapananaw ito ngunit naiiwan sa sarili nitong masalimuot na daan. Omission or commission man ito, ang sentral na otoridad sa Maynila ay nakakikita ng buong kaganapan bilang isang parang larong role-playing na kasing handy, kasing dali ng pagpindot sa PC o Nintendo Wii. Dumadaloy ang pamamaraang trial and error sa pamahalaan. Ang pulitika at ekonomiks, habang nangyayari sa Lungsod, ay patuloy sa pag-waltz sa sablay na ritmo sa realidad ng lipunan ng Pilipinas lalo na kung naibababa sa mga pook-rural. Sa bawat assumption o palagay ng administrasyon, halos parating tiyak ang kahihinatnan. Malakas kung magsalita at kumilos ang Mega Manila. Naririto ang swerte at malas, nakatakda ang pag-usbong pati ang lumbay at ang tanging magagawa ng nalalabing bahagi ng bansa ay harapin at yakapin ang kahihinatnan. At dito rin sinisimulang sirain ng bagong kapangyarihan ang ang dating gawi at i-reset ang lahat ng bagay sa zero, dahilan upang masayang ang ginugol na pera at mga pagkakataon. May kinaaaliwan tuloy ritong panlilihis at pagmamaniobra.

If national development or the lack of it is contextualized in a broader picture, it is all but the mirror-image of what has been done or not, or what has succeeded or failed. So far though, this city of 10 million continues to reel with unbridled urbanization with all of its concomitant and very familiar fallout like crimes, corruption, traffic woes, and an obscene display of haves and have-nots.

Kung ang pambansang kaunlaran o kawalan nito ay nakakonteksto sa mas malawak na pagsasalarawan, ito’y isa lamang na pagsasalamin ng mga nagawa at hindi nagawa, o ang mga ikinatagumpay o ikinasawi.

In his speech during an anti-Marcos rally at the height of the 1986 Snap Election, then opposition stalwart Doy Laurel echoed it all: “Where Manila goes, so goes the nation.”

Sa talumpati niya sa isang demonstrasyong anti-Marcos bungsod ng Snap Election noong 1986, ang noo’y nangunguna sa oposisyon na si Doy Laurel ay nag-ulit ng lahat ng ito: “Where Manila goes, so goes the nation (Kung saan tumutungo ang Maynila, doon din ang bansa).”

It chose to go to EDSA after that. And the rest is history. Depending on who speaks, the color he painted for his experience during that period is either yellow, red, blue or worst, rainbow, if he wants to be on the safer side of things, literally.

Pinili nitong tunguhin ang EDSA pagkatapos nito. Kasaysayan na ang sumunod. Depende sa kung sino ang nangungusap, ang kulay na ipininta niya para sa kanyang karanasan noong mga panahong iyon, kung hindi dilaw ay pula, asul o ang masagwa pa’y bahaghari kung nais niyang nasa safer side o mas ligtas na panig ng mga bagay-bagay, sa literal.

sam_3616

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s