Homesickness

Marami sa mga Pinoy na nasa abroad ay dinadalaw ng matinding homesickness, na kapag di naremedyuhan kaagad ay maaring mauwi sa pagsu-suicide, pagkasira ng ulo o kaya’y pag-a-amok. Nakalulungkot na ng dahil sa kagustuhan ng maraming mga padre de familia (kahit na nga mga ina ng tahanan), na mabago ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya ay marami rin ang nauuwi sa wala o sa hindi magandang kahihinatnan. May mga pamilyang ng dahil sa kakulangan ng constant communication ay nagkakahiwalay, nagkakaroon ng panibagong “temporary family” sa abroad at kung magkaminsan pa nga’y nauuwi sa kaso sa husgado. I remember nang bago pa lamang akong nag-a-abroad, ang lagi kong reklamo sa asawa ko ay ang katamaran nya sa pagsulat, o kahit na sa pagsagot sa aking mga liham.  Di pa kasi uso noon ang cell phones at para makatawag ka lamang sa mahal mo sa buhay ay pipila ka sa isang linya na halos kalahating kilometro ang haba at ang singil noon ay mga SAR 12 per minute.  Suwerte mo kung nasa bahay ang tinatawagan mo.  Nang mauso ang phone cabin, medyo gumaan-gaan na ang pakikipagkomunikasyon.  And lately, thanks to modern technology, may cell phones na every few months ay may new revision, may Facebook, may Instagram, may WhatsApp, may Skype, may LinkedIn, may Tango, WiFi connections at kung anu-ano pang social media na nagke-cater sa lahat ng antas ng buhay at uri ng pamumuhay.  But before these media and technology innovations, it was really hard and common to be empowered by homesickness.  I remember nang isang hatinggabi ay ginising ako ng aking ka-roommate dahil nanaginip daw ako at umiiyak. Sa kanyang hinala ay homesick ako, kaya pinainom niya ako ng kapeng mainit at nagkuwentuhan kami until the wee hours of the morning.  Weekend naman kaya hindi ako masyadong nag-alala at pinagbigyan ko ang alok nya dahil mas matanda siya sa akin.

straight-from-the-middle-east_homesickness

Ang homesickness ay ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa sariling bansa ng isang nangibang-bansa para lamang kumita ng sapat na pera na di kayang kitain sa sariling bansa.  Ito’y dinaranas ng kahit sino sa lahat ng antas ng pamumuhay. Ang mga karaniwang dahilan ng pangungulilang ito ay kapag nakakaranas ang isang OFW o ng sinumang nangibang bansa ng pagsubok, hirap sa trabaho, mga problema sa pakikisama sa katrabaho o kasama sa pansamantalang tirahan.  Malimit dito pumapasok ang pagnanais niyang sana’y kapiling niya ang kanyang asawa o kung sinumang mahal sa buhay para may mapaghingahan ng kanyang sama ng loob.

Recently a skilled worker from Saudi Oger ay nagbigti dahil sa sobrang habag sa sarili sapagkat ilang buwan na silang di pinasasahod at ang kanyang pamilya’y pinagbibintangan siyang may iba ng pamilya sa Saudi Arabia.  This could have been avoided if there was proper communication between him and his family.  Kalimitan kasi sa mga Pinoy, especially iyong mga naiwan sa Pilipinas ng isang OFW, they rely too much on hearsays and rumors without verifying the facts.  Kapag wala kang pera, di ka sumasahod at wala kang pantawag, talagang magkakaroon ng problema.  Lalo na kung kinumpiska ng kompanya ang iyong Iqama (resident permit), just to be sure na di ka tatakas sa compound; di ka pwedeng bumili ng simcard dahil kailangan ang Iqama para i-register ito, together with fingerprinting.  Dito sa Saudi Arabia lahat ng simcard (maging mga internet simcard na pang mobile phone o WiFi) ay required na naka-register sa pangalan ng may-ari (o kung sinuman ang bumili nito), kaya’t lahat ng cell phone numbers ay may kanya-kanyang identifiable owners.  Isa sa mga rason dito ay para madaling ma-monitor ang mga may kinalaman sa kriminalidad. Nawa’y gawin din ang ganito sa Pilipinas para madaling ma-trace iyong mga gumagawa ng mga scams at sari-saring pandaraya sa kapwa.

Ayon kay Arianna Huffington, isang Greek American author, kolumnista, occasional actress, at businesswoman, ang homesickness daw ay ang pangungulila o paghahanap sa Diyos at ang naisin na maging buo o kumpleto ang mga sarili, tulad ng isang sundalong nawalay sa kanyang asawa na kahit anong gawing pagsisikap ay walang pwedeng makatighaw dito.

straight-from-the-middle-east-homesickness2

Pinakamatinding problema ng mga nangingibang bansa ay ang homesickness, especially kung first time nyang mawalay sa kanyang pamilya.  Ang maipapayo ko sa mga bagong nag-a-abroad ay ang maging aktibo sa mga sports o athletic activities at sumapi sa mga available na civic organizations para hindi siya ma-possess ng homesickness.

Karamihan sa mga nakakaranas ng homesickness ay iyong palaging nag-iisa o kaya’y hindi mahilig makipagsosyalan.  Pwede rin namang dumalo sa mga pagtitipong panrelihiyon.  May mga bansa dito sa Middle East na kung saan pinapayagan ang ganitong uri ng aktibidad sa isang lugar na sadyang inilaan o ipinagkaloob ng gobyerno para sila makapanambahan nang may kalayaan.   Sa Dubai ay may compound na kung tawagi’y St. Mary’s na kung saan ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo ay pwedeng magdaos ng services nang naayon sa napagkasunduan oras.  Bawa’t ministry ay may kanya-kanyang oras ng gawain alinsunod sa nakatakdang schedule na kalimitang nakapaskel sa bulletin board. Ganito rin sa Kuwait, Qatar at Bahrain.  Samantalang sa Syria, Iraq at Iran ay medyo delikado ang mga ganitong pagtitipon dahil sa paglaganap ng terorismo na karaniwang isinasagawa ng bagong anyo ng Islam, ang style ng IS – pag napag-tripan ka, either you end up being tortured or you die on the spot.  Naghahasik sila ng takot especially sa mga religious minorities tulad ng mga Christians (of all sects), Yazidis, Shi’ite Muslims, Kurds at iba pang relihiyon sa rehiyong ito. Sa Lebanon, although majority ang mga Christians dito na tinatawag na Maronites, hindi rin safe ang pagsisimba dito, gaya rin naman sa Egypt at Israel.

Bukod sa mga nabanggit ko na, ang isa pang paraan para maiwasan o mabawasan ang homesickness ay ang pagkakaroon ng hobby.  Maraming uri ng hobby o libangan – ito iyong mga karaniwang napag-uukulan mo ng pansin pag ikaw ay free o hindi busy, tulad ng pangungulekta ng mga coins (numismatics) o kaya’y mga selyo (philately), pag-aalaga ng mga isda sa aquarium, paghahalaman (either outdoor or indoor gardening), pagsa-surf sa Internet ng mga sites na nakalilibang at nakapagdaragdag ng kaalaman, pagguhit o pagdu-drawing (art/sketching), pagdidisenyo ng mga damit, pagsusulat, pananahi o pagbuburda (sewing/embroidery), pagluluto ng iba’t ibang putahe at kakanin, paglikha ng mga awitin (songwriting/composition) o iba’t ibang uri ng puzzles, pag-iipon ng mga seashells, mga mamahaling hiyas at bato (gemstones and rocks), iba’t ibang kulay ng buhangin mula sa disyerto at kung anu-ano pang mga bagay na pwede mong kulektahin sa bansang iyong kinalalagyan.  Kung gugustuhin ng sinuman, maiiwasan talaga ang homesickness dahil napakaraming kaparaanang magagawa.  Ang pinakamadali ay gawing busy lagi ang sarili at huwag mag-iisa. Mas makabubuti sa mga bagong dating sa ibang bansa na maghanap ng mga dati o bagong kakilala, kaibigan at barkada.

Ang karaniwang solusyon ng ilang Pinoy na naho-homesick ay ang pag-uwi kahit di pa tapos ang kontrata. Malimit ito ay may karugtong na pagsisisi o sisihan ng mga kaanak kaya. At ang nangyayari tuloy ang homesickness ay nababaligtad.  Ang gusto naman ng umuwi ay ang bumalik sa bansang pinanggalingan (o kaya’y sa ibang bansa) matapos niyang mapagtantong mali pala ang kanyang naging pasya. ‘Ika nga, pag narating mo na ang tulay, saka ka pa lang tatawid o malalaman kung paano mo ito tatawirin.

Madali ang magtrabaho, ang mahirap ay ang pakikisama sa mga kasama sa bahay o accommodation at sa mismong workplace.  Lalo pa nga’t naroroon ang pangungulila mo, mas titindi ang pangangailangan mo ng self-control dahil baka maging isa kang war freak.  Lahat ng salita mong maririnig mula sa mga kasama mo ay iba ang magiging dating sa iyo – at usually ay on the negative side.  So ito ay kalimitang nauuwi sa di pagkakaunawaan o kaya’y away na walang kakwenta-kwenta.  Marami naman sa mga kalalakihan ay umiinom ng alak na gawa locally ng mga kapwa Pinoy na nais magkapera, pero ang mga ito’y usually toxic at nakakabulag dahil sa kakulangan ng safety and hygienic procedures sa paggawa.  Pag ikaw naman ay nakapatay o nanakit ng kapwa, kalimitan ay sa bilangguan ang iyong bagsak.  And it would take months or years bago ka mahatulan at makalaya.  Pag nakapatay ka, either magbabayad ka ng tinatawag na blood money o mapupugutan ka ng ulo. Dapat ang mga bagay na ito ay isinasama sa idinadaos na PDOS na dinadaluhan ng mga nangingibang bansa, lalo na iyong papuntang Middle East na kung saan ibang-iba ang kultura at mga tradisyon na daratnan nila.

Sabi nga ng isang lumang awitin, “Napakasakit, Kuya Eddie.”  May kasabihan din sa Tagalog na “laging nasa huli ang pagsisisi.”

John Litten also quotes, “We don’t call it homesick.  We call it missing home.  There’s not a sickness involved, it’s a state of mind.”  This is very true indeed. Ned Samar

straight-from-the-middle-east-homesickness3

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s