The Levant

the-levant

Ang Levant [ləˈvænt] ay ang rehiyon sa silangang bahagi ng Mediterranean Sea na kinabibilangan ng mga bansang Cyprus, Syria, Israel, Jordan at Lebanon.  Kung minsa’y isinasama ring bahagi nito ang Egypt, partikular ang bahagi ng Sinai Peninsula, timugang Turkey at ang estado ng Palestine (or the Occupied Territories of the West Bank and Gaza Strip).  Ito rin ang pinanggalingan ng letrang “L” sa ISIL (Islamic State of Iraq and the Levant) na naging ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) at ngayo’y IS na lamang.

Ang Levant ay mula sa salitang medieval French na ang ibig sabihin ay “ang pagsikat” na ang pinatutungkulan ay ang lupang sinisikatan ng araw. Kaya kung ikaw ay nasa Francia, ito ay tugma sa direksyon ng Levant.  Sa Alemania naman ito ay tinatawag na Morgenland o lupa ng umaga (Land of the Morning).

Ang rehiyong ito ay isa sa pinakamadugong lugar sa buong daigdig dahil sa dami ng dugong dumanak dito mula pa noong unang panahon.  Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nagbubuwis ng buhay dito dahil sa relihiyon at sa pulitika. Noong ika-13 at ika-14 na siglo ang terminong “levante” ay ginamit ng mga Italyano sa kanilang pandagat na komersyo sa silangang bahagi ng Dagat Mediterrano, kasama na ang Grecia, Anatolia, Syria-Palestine at Egypt.  Ito iyong mga lugar na nasa silangan ng Venecia o ng Italy, na siyang pinakasentro ng komersyo noon. Nang bandang huli ang terminong ito ay ginamit na lamang sa mga bansang Muslim gaya ng Syria-Palestine at Egypt. Samantalang ang katawagang Levant States ay ginamit naman ng mga Franses sa kabuuan ng Syria at Lebanon matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI). Maraming iskolar ang nagkakamali na ang salitang ito ay hinango mula sa pangalan ng Lebanon. Sa ngayon ito’y ginagamit na lamang sa pagbanggit sa mga lathalain na may kinalaman sa lumang kasaysay ng rehiyong ito.  Hindi masyadong malinaw kung alin ang eksaktong kabuuan ng Levant subalit ito ang rehiyon na napapaligiran ng bundok ng Taurus ng Turkey sa bandang hilaga, ng Dagat Mediterrano sa kanluran, at sa silangan ng Disyertong Arabia at Mesopotamia.  Hindi kasali dito ang Anatolia (dating Asia Minor, na ngayo’y Asian Turkey); bagama’t minsa’y isinasama ang Cilicia, ang kabundukan ng Caucasus o ang ilang bahagi ng Arabian Peninsula. Ang Sinai Peninsula (bahagi ng Egypt na sakop ng Asia) ay iniuugnay rin dahil ito ang pinakatulay ng Levant at ng hilagang bahagi ng Egypt na sakop ng Africa.

Ang Levant ang siyang pinakasangangdaan (crossroads) ng kanlurang Asya, silangang Mediterrano at hilagang-silangang Africa, at ang hilagang kanluran ng tinatawag na Arabian plate.  Ang populasyon ng mga tao rito ay binubuo ng mga Muslim at ng ilang sekta ng Kristiyanismo tulad ng mga Maronites, Roman Catholics, Protestants, Armenians (belonging to Armenian Apostolic Church) at Copts, at ang mga Judio (Jews).

Ang lengguwahe namang namamayani dito ay ang tinatawag na Levatine Arabic o Mediterranean Arabic.  Sa Israel, ang Hebreo ang opisyal na lengguwahe, bagama’t may mga nagsasalita rin ng Arabic.  Sa Cyprus ay may mga nagsasalita ng Griyego at ng Turkish.

Ang mga Levantines (katawagan sa mga tao sa rehiyong ito) ay karaniwan nagmula sa lahi ng mga Italyano, partikular na ang mga Venetian at Genoese (Italo-Levantine) mula sa Venice at Genoa), o kaya’y Franses (Franco-Levantine) at iba pang pinaghalong lahing Euro-Mediterranean. May mga natitira pa ring mga Italian Levantines sa ilang bahagi ng Turkey, gaya ng Istanbul at Izmir. Sila iyong mga kasapi ng Latin rite Catholics sa Turkey.

Ilang naging sikat na mga makabagong Italian Levantines ay ang mga sumusunod:

  • Sir Alfred Biliotti, na naging isa sa mga pinakakilalang British Consular officer noong ika-19 na siglo. Isa rin siyang tanyag na arkeologo na naghukay ng mga artifacts sa iba’t ibang lugar sa Aegean at Anatolia.
  • Livio Missir di Lusignano, isang historian o manunulat ng kasaysayan. Isa sa kanyang isinulat ay ang Les anciennes familles italiennes de Turquie.
  • Giusepppe Donizetti, isang musikero. Siya ay naging Instructor General of the Imperial Ottoman Music sa korte ni Sultan Mahmud II.
  • Giovanni Scognamillo, isang manunulat. Nilikha niya ang Memorie di Beyoglu di un Levantino noong 1989.
  • Konde Abraham Salomon Camondo, isang Jewish Turkish-Italian na pilantropo at mangangalakal na tinaguriang patriyarka ng pamilyang Camondo.

Nang mapalipat sa pamamahala ng Britannia ang timugang bahagi ng Ottoman Syria makalipas ang Unang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga pinuno ay ginamit ang katawagang Levantines sa mga magkahalong Arab Europeans na naninirahan sa Lebanon, Syria at Israel, at sa mga Europeans (Franses, Italiano of Griyego) na natutong makisalamuha at ginagap ang lokal na pananamit, tradisyon at mga kaugalian sa rehiyon.  Sa ngayon, maliit na bahagdan na lamang ng mga Latin Catholics sa Lebanon ang masasabing nagmula sa French/Italian descent. Ned Samar

levant

Satellite and political maps of the Levant including Cyprus, Syria, Israel, Jordan, Lebanon, Palestine and the Northern Sinai (Courtesy of Google Earth)

ISSN 2508-0458 Belongs to Mega Scene; Public Invited to Participate in Crafting Vision-Mission

International Standard Serial Number 2508-0458 has been assigned to Web-based bi-monthly publication Mega Scene with its official site at megamanilascene.wordpress.com.

Publisher/Editor DC Alviar invites followers of the online magazine’s social media accounts as well as rural people who do not have Internet access to participate in brainstorming sessions this first quarter of 2017 as Mega Scene enters an envisioning stage where its Vision-Mission statement will be written and finalized.

It is written in the 1987 Philippine Constitution that the State shall “free the people from poverty”; 30 years thereafter, that part of Declaration of Principles and State Policies has not been realized, though it prompted government economic managers to outline a vision (under Ambisyon Natin 2040) that ours is a middle-class society where no Filipino is poor in 23 years’ time.

Mega Scene shares that vision with the following rough idea: “Vision – The rural and urban poor Filipinos will gain from concerted efforts to improve their living conditions with a sincere desire to know what needs to be improved in terms of applying best communication practices from public and private sectors; and Mission – As participatory/citizen journalists, we are helping people with ideas in our own modest way.”

senge

Mga Ilog, Kanal Nililinis ng mga Taga-Muntinlupa Alang-alang sa Lawa ng Laguna

laguna-lake-page-3 

Dalawang screen grab mula sa isang bahagi ng ‘Accomplishment Report 2016 ng Administrasyong Duterte’          PTV/Facebook

 

“Pinagiba niya rin ang mga baklad sa Laguna Lake para mawala ang monopolya ng mga negosyante at maging patas ang pangisdaan sa pagitan ng mahirap at mayaman, kasabay ng planong maging ecotourism zone ang lawa.”— Communications Secretary Martin Andanar, PTV

 Mga Ilog, Kanal Nililinis ng mga Taga-Muntinlupa Alang-alang sa Lawa ng Laguna

May dahilan kung bakit naglilinis.

“Nililinis namin ang mga ilog at kanal na daluyan papuntang Lawa ng Laguna…source ngayon ng Maynilad ang Laguna Lake,” ayon kay Kagawad Vincent “Johnson” L. San Pedro na masugid na kumakatawan sa mga kapwa taga-linis mula sa Bayanang, Muntinlupa City. DC Alviar

Ugaliin nating imbakin ang tubig-ulan upang magamit sa pambansang kaunlaran

MANILA – Sa kasagsagan ng malakas na ulan nitong Linggo, habang maraming lugar ang lubog sa baha, malaking bahagi ng Metro Manila ang nawalan ng supply ng tubig. Ang nangyari ay: “water, water everywhere, nor any drop to drink”, gaya ng sawikain ng isang sinaunang marino tungkol sa isang barko na hindi makaalis sa karagatang malapit sa equator.

Ang ulan na bumuhos sa Metro Manila at sa ilang lalawigan ay malinis at maaaring inumin, ngunit ito rin ang naging dahilan kung bakit nagdumi ang supply ng tubig na nakaimbak sa Angat Dam, nagkaroon ng maliliit na bato mula sa lupang dumausdos mula sa Angat watershed area. Dahil dito, binawasan ng Maynilad ang supply nito ng tubig sa Metro Manila habang isinasaayos ang pagpapalinis sa tubig nito sa La Mesa dam.

Kasabay nito, ang malaking bahagi ng ulan na bumuhos sa malawak na parte ng Luzon ay nagdulot ng matinding baha sa maraming bayan at barangay, bago umagos patungo sa dagat. Nanganganib na umapaw ang mga dam sa bansa kung magpapatuloy pa ang pag-uulan, gaya ng inaasahan ng weather bureau, sa mga susunod na araw.

Ngayong mayroon tayong bagong administrasyon, panahon nang solusyunan ang matagal nang problemang ito at gawin itong mahalagang bahagi ng pag-unlad, hindi lamang para maibsan o mapigilan ang baha, kundi upang matuldukan na ang madalas na pagsasayang ng isang napakahalagang bagay—ang ating saganang tubig-ulan—at paggamit dito upang mapasigla ang produksiyong agricultural.

Isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso nitong Lunes ang panukalang national budget ng administrasyon na P3.35 trilyon para sa 2017, mas mataas ng 11.6 na porsiyento kaysa P3.002 trilyon ngayong 2016.

Kapansin-pansin na kabilang sa maraming dinagdagan ng budget ang P860.7 bilyon para sa imprastruktura. Tiyak na magiging “golden age of public infrastructure” ng bansa ang susunod na taon hanggang sa matapos ang administrasyong Duterte, ayon kay DBM Secretary Benjamin Diokno.

Inaasahan nating ang malaking bahagi ng budget na ito para sa imprastruktura ay ilalaan sa agrikultura na kailangan nang isailalim sa rehabilitasyon ang matagal nang napabayaang sistema ng irigasyon nito—isang malaking dahilan kung bakit hindi natin maging sapat ang sarili nating produksiyon ng bigas at kinakailangan pang umangkat ng daan-daan libong tonelada mula sa Vietnam at Thailand taun-taon.

Kailangan na nating isailalim sa rehabilitasyon ang ating mga dam o dagdagan ang mga ito upang ang ulan na madalas na bumuhos sa ating mga isla ay maiimbak natin para magamit sa irigasyon at sa mga gawain sa bahay, gayundin para sa produksiyon ng kuryente. Ang lahat ng tubig-ulan na ito na labis na nakapipinsala sa atin ay tunay na napakahalaga at malaking pakinabang kung alam lang natin kung paano natin ito magagamit nang wasto.

Ang 2017 national budget ay una lamang sa susunod na anim na taon ng administrasyong Duterte. Maaari na tayong magsimula ngayong taon sa mga pinakakinakailangang imprastruktura, gaya ng mga kalsada at tulay upang mapag-ugnay-ugnay ang marami pa ring nakahiwalay na bahagi ng ating bansa — at kalaunan ay maibsan ang trapiko sa ating mga siyudad; mga proyektong kokontrol sa baha upang maprotektahan ang mga urban area; at ang agarang pagkukumpuni sa mga sistema ng irigasyon. Ngunit sa mga susunod na national budget, inaasahan natin ang pagpapagawa sa mga reservoir na mag-iimbak sa ulan para magamit sa pagtatanim ng ating mga magsasaka.

Sa pagtatapos ng anim na taon ng administrasyong ito ay asahan natin ang isang ginintuang panahon, hindi lamang sa imprastruktura kundi maging sa pambansang kaunlaran. Filed under Editoryal Posted by Balita Online

http://balita.net.ph/2016/08/17/ugaliin-nating-imbakin-ang-tubig-ulan-upang-magamit-sa-pambansang-kaunlaran/      

*Ang Linggong tinukoy ay noong Agosto 14, 2016

hydro-manilas-facebook-page

 

Tubig pa more

MANILA – Bawat institusyon, bawat isa, natutunan na huwag magsayang ng tubig. Uhaw at, mas masakit, kamatayan, ang kapalit ng kawalan ng sapat na suplay ng malinis na tubig. Kasama rito ang kamatayan hindi lamang ng tao, halaman, at hayop; nangamamatay din ang ilog at dagat.

(Every institution, everyone learned not to waste water. Thirst and, worst, death were the results of lack of ample supply of clean water. It’s not just the death of men, plants, and animals; rivers and seas also die.)

Pataas nang pataas ang kamalayan ng tao sa kung paano niya mapangangalagaan ang scarce resources gaya ng tubig. Hindi kasi siya makalilikha ng tubig. Heto lamang ang kayang gawin ng tao: protektahan ang integridad ng sistema ng tubig, sumalok ng tubig-ulan, huwag magtapon ng basura sa ilog at dagat, at sa panibagong siglo’y huwag mag-aksaya ng tubig mula sa poso o gripo. Malaliman na rin ang pag-aaral sa tubig, patubig o irigasyon, wastewater, polusyon sa tubig at, bandang huli, baha. Nagsasama-sama ang mga tao at mga bansa upang labanan ang pagsasayang/pag-aaksaya ng tubig at sagipin sa pagkamatay ang mga ilog at dagat.

(Man’s level of consciousness has been raised concerning how he can protect scarce resources like water. It’s because he cannot create water. What man can only do is: keep the integrity of the water system, take advantage of the rainfall, keep his trash away from water systems and, at the turn of the century, forestall water pipe leakage. Studies have also been advanced regarding water, irrigation, wastewater, water pollution and, in recent times, inundation. People and countries have joined forces to fight for water, combat the worsening conditions of its supply, and save the rivers and seas.)

Kaya naman, hindi ko lubos maisip na pwede pala ang magsaya sa konsyerto na nagsasayang ng tubig. Pwede mong tsekin ang sinasabi ko; i-Google mo ang katagang “HYDRO Manila Music Festival”. Ang ganitong konsepto ng pagsasaya ay nagsimula siguro ng 2014. Pagpatak ng 2015 at 2016, marami nang kabataang nahumaling at tumangkilik sa tugtugan at sayawang hatid ng “Hydro”. Sa mga larawan at video, matatanaw ang tuwa ng mga mag-aaral pati ng nagpapakilalang student leaders, pero matutunaw ka naman sa makikita mong tagas ng tubig mula sa mga inarkilang fire truck, at kahit alam mong mga naligo na ang mga ito bago pumasok ng kanilang mga paaralan, kolehiyo, at pamantasan, ay pinaliliguan sila gamit ang tubig mula sa mga hose. Kaysasaya nilang pagmasdan, sabagay, may street children ding masasaya sa pagsalok ng nasasayang na tubig dahil sa konsyerto. Ngayong 2017, inaasahang patuloy na dadaloy mula sa Hydro ang pagsasaya at pagsasayang ng tubig sa mga paaralan, kolehiyo, at pamantasan.

This is why I could hardly believe there are various individuals who feel happy attending a concert that extremely wastes water. You may check what I’m saying: Google “HYDRO Manila Music Festival”. This thought of wastefulness may have kicked off in 2014. Came 2015 and 2016, a lot of youngsters started getting attracted to Hydro and dancing in its fake rain. There were proud pictures and videos showing schoolchildren’s bliss together with self-styled student leaders, but you will melt down seeing exploits of water going unabated thanks to the backing of fire trucks, and even if you know that the students took a bath before going to the school, college, and university (the concert venues), they got soaked once more through the hoses. They looked really ecstatic; besides, there were street children who were lucky enough to get stationed outside the concert and get benefitted from fire truck leaks. This 2017, expect Hydro to give away the excitement and the “rains” in schools, colleges, and universities.

Bata, handa ka bang makipagsayang, este, makipagsaya?

Bata, are you ready to join the squandering, err, partying? DC Alviar

vol-1-issue-9-coverpage