Mga lalaking sekyu talbog sa babaeng basketbolista

Bantay-marino sa hardcourt ang mga guwardiya ng National University dahil nais nilang makaagpas sa anim na palitan ng lamang (6 lead changes) sa fourth quarter, ngunit nakahanap sila ng katapat hanggang mapataob sila ng isang babae nang pangunahan niya ang ITRO/Admin sa paggapi sa Security Snipers, 95-86, sa HR-sponsored NU Community 1st Basketball Conference sa NU gym kagabi.

Matapos malamangan ng anim sa third period, 59-65, tumabla ang Snipers, 75-75 at 80-80.

Ngunit nagbago ang timpla ng laro sa huling buslo ni ex-Lady Bulldog Jelline Batnag, 84-84, nang may nalalabing dalawang minuto na lamang at mapasakamay ng ITRO/Admin triumvirate Batnag, Mythical 5 member JP Marcelino at Arch. Leo Mamaradlo ang momentum para hindi na sila mahabol at mapalobo pa nila ang lamang sa siyam.

Ikinatuwa at ikinamangha ng mga manunuod ang gitgitang laban mula pa noong simula ng second half nang batian sila ng nothing-but-net jumper ni Sir Nani Garcia, 50-44, at back-to-back triples ni Ciriaco Pacayde na nasundan pa ng kanyang pwersadong pasok, 56-59, para matapyas ng Snipers ang lamang sa tatlo.

Sa tres ni Hilario Butcon nagliyab ang makailang palitan ng lamang at ito rin ang unang pagkakataong makabalik sa porma ang mga sekyu.

Pero mas mapoporma ang mga taga-ITRO/Admin sa tulong na rin ng mga half-court setup nila Sir Richie Ocampo, na bumawi sa followup at steal ni Reynante Sas.

Abante pa rin ang Snipers, 74-73, sa isang tagpo ng fastbreak kung saan malakas ngunit saktong kumagat ang pektus at pumasok ang tira ni Ocampo.

Patay-sindi ang ningning ni Marcelino; matapos siyang makapag-buzzer-beater three-point shot na pagkalayu-layo, natawagan naman siya ng charging. Mabuti’t eksperto sa freethrow si Marcelino ‘pagkat dikitan ang sagupaan bagama’t minsang nakasukbit ng apat na sunod na offensive rebounds ang malalakas mamuwersa sa loob na Snipers.

Halos perpekto rin sa foul throw si Mamaradlo sa kabuuan ng torneong nagmula pa noong Pebrero na nilahukan din ng mga koponang NU Nazareth School, Faculty, Maintenance, at Engineering na pumangatlong pwesto.

Galing sa timeout nang meron na lamang 54 segundo ang natitira, umabante na nang husto ang ITRO/Admin sa naiwang bukas sa perimeter offense  na si Batnag na nakilala ring may championship ring sa UAAP at napanuod din sa PBA 3×3 sa kababaihan bilang kasapi ng Blackwater Elite.

Bago ang kampeonato sa sportsfest ng mga empleyado, pinahirapan din ni Batnag at ng kanyang koponan ang kanilang Final 4 opponents. Meron siya noong back-to-back fastbreak points, dalawang sunod ding duty foul, maging sa loose ball foul niya laban kay Engr. Tony Paez, mga hustle at honest defense.

Tila dagdag-selebrasyon sa Buwan ng Kababaihan sa Pilipinas ang pagkampeon ng isang babaeng katulad ni Batnag na ginawa ang lahat huwag lang patalo sa larangan ng palakasan at makipagbanggaan sa mga basketbolistang lalaki sa kanyang komunidad gaya ng kanyang naipamalas sa NU.

Jelline Batnag

Photo Credit: PBA Facebook account

Batnag FB

Photo Credit: Batnag Facebook account

20170328_204108

20170328_204040.jpg

20170328_204307

20170328_193945

Half-mast in Philippine Senate (Photos)

MegaManilaScene_DCAlviar_20170322

HALF-MAST ang bandila o nasa kalahati lamang ito ng flag pole sa halip na nasa tuktok. Pagpapakita ito ng pakikiramay o kalungkutan at gayundin ang pagbibigay ng huling galang sa isang kilalang taong pumanaw na katulad ng larawang kuha mula sa Gusali ng Senado sa Lungsod ng Pasay na nakikiisa sa pagdadalamhati ng sambayanan sa pagkamatay ng dating Senador Leticia Ramos-Shahani.

MegaManilaScene_DCAlviar_20170322_12

Hindi na naabutan ng mga kabataang milenyal ang kahusayan sa paglilingkod ni Shahani bilang senador, at mas maaga pa siyang nakapaglingkod kaysa sa apat na Pangulo ng Senado na may tag-iisang portrait na nakadisplay sa Public Assistance Center (Senate). DC Alviar

MegaManilaScene_DCAlviar_2017

Estero De San Miguel cleanup (Photos)

MMDA_cleans_up_estero_MegaManilaScene2_20170315_091019

“KUNG ESTERO’Y MALINIS, SAKIT AY MAAALIS,” isang paalalang nakapaskil sa Estero de San Miguel sa P. Casal Street sa Maynila. Nililinis ng mga tauhan ng MMDA ang bahaging ito ng estero na inaasahang tone-tonelada na naman ang mahahakot na basura.

MMDA_cleans_up_estero_MegaManilaScene20170315_090936

Photos were taken by DC Alviar on March 15, 2017. First published on page 17 of Mega Scene (ISSN: 2508-0458) at https://megamanilascene.wordpress.com/2017/03/15/mega-scene-vol-1-issue-10/

 

Kalusugan, hindi kamatayan – PAP

Bilanggong_Kamara_MegaManilaScene_DC_Alviar_20170303_112951

BILANGGONG KAMARA? Pasado agad ang Death Penalty Bill sa Mababang Kapulungan.

 

QUEZON CITY – Malaki ang epekto ng parusang kamatayan (death penalty) sa mental na kalusugan ng biktima, kriminal, at mga pamilya nila, opisyal na ipinahayag ng Psychological Association of the Philippines (PAP) noong ika-7 ng Marso.

Mariing tinututulan ng maraming sektor ng lipunan ang death penalty at marami rin namang pumapabor, pinakahuli ang mga kinatawan sa Kamara. Inaasahang sa Senado mas lilitaw ang makabuluhang paghihimay-himay sa usaping nagdulot na naman ng pinakabagong paghahati-hati sa mga Pilipino.

Nakidagdag sa ganitong pagtutol ang malawakang samahan ng mga sikolohista sa pangunguna ni PAP president Margaret Helen Udarbe-Alvarez, PhD at vice president Ron R. Resurreccion, PhD. Gumamit na umano sila ng “point of view of evidence-based social science, psychology in particular, as well as of ethics.”

Sabi ng PAP: “Majority of those on death row in the Philippines have been convicted of rape, with incestuous rape as the most common form. Victims of incestuous rape rarely seek the death of their offender but simply desire cessation of abuse, reestablishment of safety, and rehabilitation of their family member. A possible death penalty sentence for these cases has been noted to keep victims from pursuing charges, and a death sentence for the offender can bring guilt to the victim, further sorrow, and conflict within affected families (Madrid et. Al., 2001; People v Agbayani, 348 Phil. 368, 1998; Jamon and Bautista, 2016). In fact, majority of groups representing women and children in the Philippines, who are common victims of death penalty crimes, have taken a stance against capital punishment for rape and incest because they believe it would not solve the problem (Kandelia, 2006).”

Narito ang huling bahagi ng kanilang pahayag:

“Given all these, we oppose the reinstatement of the death penalty. Furthermore, we resolve to support efforts to: disseminate evidence-based information on capital punishment, especially its effects on psychological health; protect the rights and promote the welfare of vulnerable individuals especially against police and prosecutorial violations of judicial procedures; conduct psychological research on alternative maximal sanctions and therapeutic dimensions of judicial processes for victims, offenders, and their loved ones; and develop programs that aid in the redemptive rehabilitation of offenders, that support victims and their loved ones through and in the aftermath of judicial processes, and that foster the psychological wellbeing of these persons.” DC Alviar

PAP Statement Re Death Penalty

The GCC

GCC_Straight_from_the_Middle_East

Ang ibig sabihin ng GCC ay Gulf Cooperation Council at ito ay alyansang pampolitikal at ekonomikal ng anim na bansa sa Gitnang Silangan na kinabibilangan ng Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates (UAE), Qatar, Bahrain at Oman.  Ito ay natatag sa Riyadh, ang kapitolyo ng Saudi Arabia, noong ika-26 ng Mayo, taong 1981, na may layuning magkaroon ng pagkakaisa ang bawat miyembrong bansa ayon sa kanilang magkakahalintulad na politikal at kulturang hango mula sa pangunahing relihiyon ng bawat kasaping bansa – ang Islam.

Ang bawat miyembrong bansa ng GCC ay may bahagi o ang buong baybayin (coastline) nito sa Arabian Gulf (tinatawag din itong Persian Gulf, lalo na ng mga bansang Iran at Iraq). Halos ang buong baybayin ng Oman ay nasa Arabian Sea, na sakop naman ng Indian Ocean, subalit ang bahagi ng Musandam Peninsula, na nakahiwalay sa malaking bahagi ng bansa at napapalibutan ng United Arab Emirates, ay nasa baybayin ng Arabian Gulf.

Ang mga mamayan ng mga GCC countries ay malayang makapaglakbay sa alinmang miyembrong bansa nang di na kailangan pa ang visa o pasaporte.  Minsan sapat na ang ipakita ang identity card, lalo na sa mga border crossing.

GCC_Straight_from_the_Middle_East2

The GCC countries mostly have a coastline on the Arabian Gulf (sometimes referred to as the Persian Gulf).  Saudi Arabia also has its western fringes along the Red Sea.

GCC_Straight_from_the_Middle_East3

Sa mga miyembrong estado ay dalawa ang kaharian o kingdom na pinamumunuan ng hari:  Ang Bahrain at ang Saudi Arabia.  Ang Oman ay tinatawag na sultanate (ruled by a sultan) at ang UAE ay binubuo ng 7 emirates na pinamumunuan ng mga emirs (prinsipe).  Ang Kuwait at Qatar ay parehong pinamumunuan ng Sheikh.

SOME BASIC FACTS & FIGURES FOR GCC COUNTRIES

Some Basic Facts

  1. See country notes and updates section (sections) below.
  2. Population figures are often unreliable, a second source might be given for comparison.
  3. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/rankorder/2119rank.html – CIA World Factbook population figures reference.
  4. UAE population estimate of 5,628,805 given by the CIA for Jul 2014 is misleading as it is based on a UAE NBS figure from the 2005 census, which was probably too low at the time anyway (a number of residents did not participate in the census). The World Bank 2013 estimate is possibly too high but there is no question the population has increased substantially since 2005. The UAE NBS figure for 2010 might be a reasonable estimate for 2014-2015. As of Jan 2015, the most recent population figures released by the NBS (the official government statistics department) were 8.2m as a 2010 estimate, and 5.6m for the 2005 census.
  5. Variation of up to 5% higher or lower is common depending on which source, also varies over time but not as much. For the UAE, UN 2013 estimate is 80%, UAE NBS 2010 estimate is 89%. But trend is decreasing proportion of citizens, increasing proportion of expat foreigners, so UN estimate is likely to be too low.
  6. Airline notes (commercial operators with scheduled flights only):
    • Etihad Airways is based in Abu Dhabi, and is (or claims to be) the national carrier of the UAE. Other UAE airlines include Air Arabia (Sharjah), Emirates Airline (Dubai), FlyDubai (Dubai), RAK Airways (Ras Al Khaimah, services suspended 31 Dec 2013), Rotana Jet (Abu Dhabi).
    • Gulf Air was originally the national or flag carrier for Bahrain, Oman, Qatar, and Abu Dhabi emirate, which jointly owned the airline. From 2002-2007 Oman, Qatar, and Abu Dhabi withdrew from the partnership leaving Gulf Air the national carrier solely for Bahrain and owned by Bahrain.
    • Kuwait Airways is the national carrier of Kuwait. Other operators include Jazeera Airways.
    • Saudia (Saudi Arabian Airlines) is the flag carrier of Saudi Arabia. Other operators include FlyNas (previously NasAir).
  • CIA – Central Intelligence Agency (USA)
  • NBS – UAE National Bureau of Statistics
  • PACI – Kuwait Public Authority for Civil Information
  • QSA – Qatar Statistics Authority. Monthly total population figure update available on their website, but not nationality figures

(Source: DubaiFAQs.com)

Ang mga bansang miyembro ng GCC, lalo na ang Kuwait, Saudi Arabia at Abu Dhabi ng UAE, ay nakasalalay ang  ekonomiya sa produksyon at pag-e-export ng langis.  May malagong natural gas industry ang Qatar, samantalang ang Oman at Bahrain ay di naman masyadong nakasalalay sa produksyon ng langis.

Ang lahat ng mga bansang kaanib sa GCC ay mga Islamic states na ibig sabihin ay mga Muslim ang mga mamamayan nila.  Bagama’t may mga hindi Muslim sa kanila, ito’y inililihim nila dahil sa takot na sila ay maparusahan.  Ang apostasy (pagtalikod sa kinabihasnang relihiyon) ay may karampatang parusang kamatayan sa ilang GCC states.

Ang ibang expat workers na hindi Muslim ay tinatanggap naman sa alinmang bansa ng GCC.  May ilang GCC countries na pinapayagang magtayo ang mga Christians ng kanilang churches at magdaos ng kanilang mga worship services tulad ng Bahrain, Qatar at UAE.  Samantalang sa Saudi Arabia ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng gawain ng ibang relihiyon at kapag may nahuli ay nakukulong o kaya’y pinauuwi at may ilan ding pinugutan ng ulo dahil dito, gaya ng ilang katutubo na tumalikod sa kanilang relihiyon at umanib sa Kristiyanismo.

Ang karamihan sa mamamayan ng Kuwait, Qatar, Saudi Arabia at UAE ay mga Sunni Muslims.  Sa ibang miyembrong bansa naman ay may maraming mga Shia (Shi’ite) gaya ng Bahrain at Yemen o kaya’y mga Ibadi Muslims gaya ng Oman.  Kaya halos lahat ng mga GCC member countries ay may legal system o batas na batay sa Shari’ah, mga panuntunang hango mula sa hadith (sayings) ng kanilang propetang si Mohammed o kaya’y mga tradisyong nakapaloob sa Qu’ran.  Subali’t hindi naman lagi ito ipinapatupad para sa mga expats o dayuhang nagtatrabaho at naninirahan sa mga bansang ito. Sa Saudi Arabia ay marami-rami na rin ang nakulong o napugutan ng ulo (beheaded) nang dahil sa mga kasalanang apostasy, drug trafficking, murder, bootlegging (manufacture, sale and transport of alcoholic drinks) o kaya’y naputulan ng ilang bahagi ng katawan dahil sa pagnanakaw.

Mayroon ding tinatawag na strict dress code sa mga GCC states.  Ang mga kababaihan ay dapat may mga suot na abayah na usually ay kulay itim at may hajib o burqa na pantakip sa kanilang mukha na may mga variations kung hanggang saang parte ng kanilang mukha ang di dapat makita.  Usually sa ilang bahagi ng GCC ay mga mata lamang ang makikitang nakalabas tulad ng Saudi Arabia at sa ilang lugar o lungsod ay hindi naman masyadong partikular ang pagsusuot nito sa ulo tulad sa UAE o Bahrain, at kalimitang ang mga babaeng expats ay hindi na ino-obliga sa pagsusuot nito.  Ang mga karaniwang isinusuot ng mga kalalakihan ay ang thobe na parang abito ng pari at usually ay kulay puti at ang kuwelyo ay ala Mao Tse Tung ang style. Kung taglamig ay nagsusuot din sila ng dark colored na thobe gaya ng brown at abuhin o kaya’y kulay krema.  Ang Omani style ng thobe ay hugis V ang parteng leeg sa harapan at may tassels sa may likuran.  Nagsusuot din sila ng tinatawag na guthra o iyong checkered na karaniwang red and white scarf na itinatalukbong nila sa ulo at nakalaylay hanggang dibdib to protect them from the harsh climate in the region, especially during a sandstorm or dust storm na karaniwan sa rehiyon, at kung taglamig o matinding tag-init.  Bukod dito ay may maliit na puting cap na tinatawag na taqqiyah na nasuklob sa ulo.  Sa ibabaw ng guthra ay may nakapatong naman na oghal, kulay itim na taling parang maliit na lubid (about half-an-inch thick) na naka-circle two times at ang dalawang dulo’y magkarugtong.  Ito ang proteksyon sa guthra para hindi liparin ng hangin, at kung minsan ay ginagamit din nilang panghataw sa kaaway nila dahil may matigas na rubber tube ito sa loob.  Sa ngayon ay pinapayagan na rin ang ilang kalalakihan sa ilang siyudad na magsuot ng shorts, subalit dapat ay hanggang tuhod o lampas tuhod ang haba at hindi litaw ang hita nila.  Sa kababaihan ay bawal pa rin ang shorts o ang pagsusuot ng mga revealing clothes at ang paghahantad ng buong braso sa mga publikong lugar.

Malaking bahagdan sa populasyon ng mga GCC countries ay ang mga expats mula sa iba’t ibang bansa na nagtatrabaho at kinakailangan nilang sumunod sa mga batas na pinaiiral para sa mga manggagawa. Although ang karamihan ngayon sa mga bansang kaanib sa GCC ay maluwag-luwag na ang mga patakaran sa mga namamasukang dayuhan, may mga batas pa ring dapat sundin ang mga expats. Isang halimbawa rito ay ang pagkakaroon ng legal paperwork tulad ng Iqama (sa Saudi Arabia) o resident permit kung ikaw ay lalabas ng accommodation o pansamantalang tirahan.  Although pwede kang bumili ng sasakyan, dapat ito’y maibenta at mailipat sa ibang pangalan kung ikaw ay uuwi na o mapapauwi ng kompanyang pinaglilingkuran.  May batas na rin na kapag di napapasahod ng 3 buwan o mahigit pa, ang isang manggagawa ay pwede nang lumipat ng kafil o sponsor. Sa ngayon marami sa mga kompanyang oil-based o iyong tinatawag na GES+Contractors ay nagsasara na at maraming expats ang napapauwi nang wala sa oras dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan. Ang mga presyo ng visa ay tumaas na rin at pati na rin ang mga traffic fines, na bukod sa multa ay may kasama pang pagkakulong nang minsa’y mahigit pa sa isang araw.

Sa mga bansang medyo mahigpit sa mga dayuhang manggagawa, ang ginagawa nila ay dumadayo sa ibang GCC member countries pag holiday periods (gaya ng Ramadan at Hajj Eids) tulad sa Bahrain, Qatar, Oman o Dubai (UAE) kung saan ay medyo maluwag ang pagkilos ng mga dayuhan.  Sa mga bansang ito ay may mga lugar na pwedeng manambahan ang mga Kristiyano, may mabibiling karne ng baboy at iba’t ibang uri ng inuming nakakalasing, mga massage parlors, sinehan o kaya’y pwedeng magmaneho ang mga babae.  Sa Saudi Arabia ay hindi pwedeng papasukin ang sinumang may travel stamp mula sa bansang Israel, kaya pag sila’y pumupunta sa bansang ito ay dumaraan sila by land either through Jordan, Egypt or Lebanon kung saan ay hindi na kailangang tatakan ang kanilang pasaporte para makabalik silang muli sa Saudi Arabia.  Bihira din sa mga bansang kasapi ng GCC ang nagbibigay ng citizenship sa mga expats, gaano man sila katagal nang nanirahan sa bansang iyon. Ned Samar