Silent Letters in Some English and Other Foreign Words

Straight from the Middle East - Silent Letter

Most often Filipinos, and sometimes other Asian nationalities, pronounce English words as they see it.  Like chassis, which is of French origin and which means the supporting frame of an automobile, and which has come to be a part of the English vocabulary, is often pronounced by Filipinos as [cha-sis], with the final ‘s’ being sounded. While in French, the final ‘s’ or ‘t’ is usually silent, as in Mardi Gras, debris, fillet, chalet, etc.

Funny how the Pinoys pronounce certain English words with deep guttural sounds.  I’ve also noticed lately that some Pinoys are pronouncing the ‘r’ in most words like the Spanish ‘rr’ with that velar articulation, especially those graduates of exclusive schools.  I just hope that somebody in DepEd corrects this mistake and have English teachers on all levels rectify this erroneous pronunciation.

To help our readers here are some rules of thumb:

  • When b is followed by a t, the b is dropped, as in doubt [dawt] and subtle [sat’l] but in some words like subterranean and subtract, both letters are pronounced.
  • When d is followed by an n, the d is dropped, as in Wednesday [wenz-dey] and kindness [kayn-nes].
  • The final e in most English and French words is silent as in care [keyr], dame [deym], boutique [bu-tik], voice [voys], maze [mayz], accumulate [a-kyu-mu-leyt], fire [fayr], etc.; but in English words with Greek origin, the final e is often pronounced, as in epitome [e-pi-to-mi] or hyperbole [hay-per-bo-li].
  • When g is followed by an m or an n, the g is often dropped, as in gnu [nu], gnat [nat], align [a-layn] or phlegm [flem]; but both are pronounced in pragmatic or stagnant
  • The letter h is always silent in Spanish, and in some English words like honest [a-nest], hour [ar or a-war], heir [eyr] and Thailand [tay-land], an Asian country.
  • When k precedes the letter n, it is always silent, as in know [no], knell [nel], knee [ni], knife [nayf], knight [nayt] and knock [nak].
  • When l is followed by either d, f, k, or m, it is often silent as in should [shud], could [kud], calf [kaf], half [haf], talk [tok], folk [fok], almond [a-mond], salmon [sa-mon]; but in cold [kold] or mold [mold] both letters are pronounced.
  • When m is followed by the letter b, the b is always silent as in lamb [lam], bomb [bam], climb [klaym]; but in bombarding [bomb-ard-ing] and bombardment [bomb-ard-ment], both letters are pronounced.
  • When m is followed by an n, the final n is dropped as in column [ko-lum], hymn [him] and autumn [o-tum], but when other letters follow the ‘n’, it is pronounced, like in autumnal [o-tum-nal], columnar [co-lum-nar], hymnal [him-nal] and solemnity [so-lem-ni-ty].
  • The initial o in opossum (a marsupial) is most often not pronounced.
  • When p is followed by an s or a t, the p is dropped, as in psychology [say-ko-lo-dyi], psalm [sam] or psalms [samz], receipt [re-sit] and tempt [temt].
  • Words of French origin ending in s or se, usually have these last letters unpronounced.
  • The final t in most French words that have been adapted to the English language is silent, as in chalet [sha-ley], sachet [sa-shey], ballet [ba-ley], fillet [fil-ley], escargot [es-kar-go] (a French delicacy made up of snails).
  • When w is followed by an r, the w is always dropped, as in wrinkle [rin-kel], write [rayt], wrought [rot], wrangler [rangler] and wretched [rets-ed].
  • The combination letters ph is usually pronounced as f except for Stephen (a male proper name) which is either pronounced as [Stef-en] or [Stev-en]; in shepherd [sheperd] the h is dropped completely.
  • The combination gh is usually silent in most English words except in some words where these are pronounced differently, as in tough [taf] and laughter [laf-ter].
  • Diphthongs are combination of 2 vowels and are usually pronounced as one single letter, or a combination of a vowel and a consonant, like the ‘ea’ in meat [mit] and beat [bit] or the ‘ie’ in believe [bi-liv] and receive [ri-siv] or the ‘ou’ in bought [bot] and country [kan-tri]. (Most Pinoys would pronounce the last as [kawn-tri] or [kawnt-ri]. To avoid this, let’s make up another rule: When you say kan-tri, it’s an independent nation; but when you say kawnt-tri, it means One, Two, Three!)  Furthermore, in some words with diphthongs, one of the vowels is just dropped, as in leopard [le-pard], piece [pis], read [red] (past tense of read [rid]), heifer [he-fer], etc.

I have compiled a list of the most common, and sometimes seldom used, English and other words of foreign origin, that are often mispronounced, not only by Filipinos, but most Asians.  I have also added some proper names like that of persons, places, events and some famous car brands plus other pronunciation lists that may be useful to the reader.  All the letters in red are supposed to be silent. Practice and enjoy the rich English language.

[Note: Pronunciations indicated above are basically based on how most Filipinos would spell the words as pronounced.  Basic pronunciation guides can be found in any dictionary.]

A-K

L to Z

Red Letters = Silent

Different Pronun

—Ned Samar

The GCC

GCC_Straight_from_the_Middle_East

Ang ibig sabihin ng GCC ay Gulf Cooperation Council at ito ay alyansang pampolitikal at ekonomikal ng anim na bansa sa Gitnang Silangan na kinabibilangan ng Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates (UAE), Qatar, Bahrain at Oman.  Ito ay natatag sa Riyadh, ang kapitolyo ng Saudi Arabia, noong ika-26 ng Mayo, taong 1981, na may layuning magkaroon ng pagkakaisa ang bawat miyembrong bansa ayon sa kanilang magkakahalintulad na politikal at kulturang hango mula sa pangunahing relihiyon ng bawat kasaping bansa – ang Islam.

Ang bawat miyembrong bansa ng GCC ay may bahagi o ang buong baybayin (coastline) nito sa Arabian Gulf (tinatawag din itong Persian Gulf, lalo na ng mga bansang Iran at Iraq). Halos ang buong baybayin ng Oman ay nasa Arabian Sea, na sakop naman ng Indian Ocean, subalit ang bahagi ng Musandam Peninsula, na nakahiwalay sa malaking bahagi ng bansa at napapalibutan ng United Arab Emirates, ay nasa baybayin ng Arabian Gulf.

Ang mga mamayan ng mga GCC countries ay malayang makapaglakbay sa alinmang miyembrong bansa nang di na kailangan pa ang visa o pasaporte.  Minsan sapat na ang ipakita ang identity card, lalo na sa mga border crossing.

GCC_Straight_from_the_Middle_East2

The GCC countries mostly have a coastline on the Arabian Gulf (sometimes referred to as the Persian Gulf).  Saudi Arabia also has its western fringes along the Red Sea.

GCC_Straight_from_the_Middle_East3

Sa mga miyembrong estado ay dalawa ang kaharian o kingdom na pinamumunuan ng hari:  Ang Bahrain at ang Saudi Arabia.  Ang Oman ay tinatawag na sultanate (ruled by a sultan) at ang UAE ay binubuo ng 7 emirates na pinamumunuan ng mga emirs (prinsipe).  Ang Kuwait at Qatar ay parehong pinamumunuan ng Sheikh.

SOME BASIC FACTS & FIGURES FOR GCC COUNTRIES

Some Basic Facts

  1. See country notes and updates section (sections) below.
  2. Population figures are often unreliable, a second source might be given for comparison.
  3. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/rankorder/2119rank.html – CIA World Factbook population figures reference.
  4. UAE population estimate of 5,628,805 given by the CIA for Jul 2014 is misleading as it is based on a UAE NBS figure from the 2005 census, which was probably too low at the time anyway (a number of residents did not participate in the census). The World Bank 2013 estimate is possibly too high but there is no question the population has increased substantially since 2005. The UAE NBS figure for 2010 might be a reasonable estimate for 2014-2015. As of Jan 2015, the most recent population figures released by the NBS (the official government statistics department) were 8.2m as a 2010 estimate, and 5.6m for the 2005 census.
  5. Variation of up to 5% higher or lower is common depending on which source, also varies over time but not as much. For the UAE, UN 2013 estimate is 80%, UAE NBS 2010 estimate is 89%. But trend is decreasing proportion of citizens, increasing proportion of expat foreigners, so UN estimate is likely to be too low.
  6. Airline notes (commercial operators with scheduled flights only):
    • Etihad Airways is based in Abu Dhabi, and is (or claims to be) the national carrier of the UAE. Other UAE airlines include Air Arabia (Sharjah), Emirates Airline (Dubai), FlyDubai (Dubai), RAK Airways (Ras Al Khaimah, services suspended 31 Dec 2013), Rotana Jet (Abu Dhabi).
    • Gulf Air was originally the national or flag carrier for Bahrain, Oman, Qatar, and Abu Dhabi emirate, which jointly owned the airline. From 2002-2007 Oman, Qatar, and Abu Dhabi withdrew from the partnership leaving Gulf Air the national carrier solely for Bahrain and owned by Bahrain.
    • Kuwait Airways is the national carrier of Kuwait. Other operators include Jazeera Airways.
    • Saudia (Saudi Arabian Airlines) is the flag carrier of Saudi Arabia. Other operators include FlyNas (previously NasAir).
  • CIA – Central Intelligence Agency (USA)
  • NBS – UAE National Bureau of Statistics
  • PACI – Kuwait Public Authority for Civil Information
  • QSA – Qatar Statistics Authority. Monthly total population figure update available on their website, but not nationality figures

(Source: DubaiFAQs.com)

Ang mga bansang miyembro ng GCC, lalo na ang Kuwait, Saudi Arabia at Abu Dhabi ng UAE, ay nakasalalay ang  ekonomiya sa produksyon at pag-e-export ng langis.  May malagong natural gas industry ang Qatar, samantalang ang Oman at Bahrain ay di naman masyadong nakasalalay sa produksyon ng langis.

Ang lahat ng mga bansang kaanib sa GCC ay mga Islamic states na ibig sabihin ay mga Muslim ang mga mamamayan nila.  Bagama’t may mga hindi Muslim sa kanila, ito’y inililihim nila dahil sa takot na sila ay maparusahan.  Ang apostasy (pagtalikod sa kinabihasnang relihiyon) ay may karampatang parusang kamatayan sa ilang GCC states.

Ang ibang expat workers na hindi Muslim ay tinatanggap naman sa alinmang bansa ng GCC.  May ilang GCC countries na pinapayagang magtayo ang mga Christians ng kanilang churches at magdaos ng kanilang mga worship services tulad ng Bahrain, Qatar at UAE.  Samantalang sa Saudi Arabia ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagdaraos ng gawain ng ibang relihiyon at kapag may nahuli ay nakukulong o kaya’y pinauuwi at may ilan ding pinugutan ng ulo dahil dito, gaya ng ilang katutubo na tumalikod sa kanilang relihiyon at umanib sa Kristiyanismo.

Ang karamihan sa mamamayan ng Kuwait, Qatar, Saudi Arabia at UAE ay mga Sunni Muslims.  Sa ibang miyembrong bansa naman ay may maraming mga Shia (Shi’ite) gaya ng Bahrain at Yemen o kaya’y mga Ibadi Muslims gaya ng Oman.  Kaya halos lahat ng mga GCC member countries ay may legal system o batas na batay sa Shari’ah, mga panuntunang hango mula sa hadith (sayings) ng kanilang propetang si Mohammed o kaya’y mga tradisyong nakapaloob sa Qu’ran.  Subali’t hindi naman lagi ito ipinapatupad para sa mga expats o dayuhang nagtatrabaho at naninirahan sa mga bansang ito. Sa Saudi Arabia ay marami-rami na rin ang nakulong o napugutan ng ulo (beheaded) nang dahil sa mga kasalanang apostasy, drug trafficking, murder, bootlegging (manufacture, sale and transport of alcoholic drinks) o kaya’y naputulan ng ilang bahagi ng katawan dahil sa pagnanakaw.

Mayroon ding tinatawag na strict dress code sa mga GCC states.  Ang mga kababaihan ay dapat may mga suot na abayah na usually ay kulay itim at may hajib o burqa na pantakip sa kanilang mukha na may mga variations kung hanggang saang parte ng kanilang mukha ang di dapat makita.  Usually sa ilang bahagi ng GCC ay mga mata lamang ang makikitang nakalabas tulad ng Saudi Arabia at sa ilang lugar o lungsod ay hindi naman masyadong partikular ang pagsusuot nito sa ulo tulad sa UAE o Bahrain, at kalimitang ang mga babaeng expats ay hindi na ino-obliga sa pagsusuot nito.  Ang mga karaniwang isinusuot ng mga kalalakihan ay ang thobe na parang abito ng pari at usually ay kulay puti at ang kuwelyo ay ala Mao Tse Tung ang style. Kung taglamig ay nagsusuot din sila ng dark colored na thobe gaya ng brown at abuhin o kaya’y kulay krema.  Ang Omani style ng thobe ay hugis V ang parteng leeg sa harapan at may tassels sa may likuran.  Nagsusuot din sila ng tinatawag na guthra o iyong checkered na karaniwang red and white scarf na itinatalukbong nila sa ulo at nakalaylay hanggang dibdib to protect them from the harsh climate in the region, especially during a sandstorm or dust storm na karaniwan sa rehiyon, at kung taglamig o matinding tag-init.  Bukod dito ay may maliit na puting cap na tinatawag na taqqiyah na nasuklob sa ulo.  Sa ibabaw ng guthra ay may nakapatong naman na oghal, kulay itim na taling parang maliit na lubid (about half-an-inch thick) na naka-circle two times at ang dalawang dulo’y magkarugtong.  Ito ang proteksyon sa guthra para hindi liparin ng hangin, at kung minsan ay ginagamit din nilang panghataw sa kaaway nila dahil may matigas na rubber tube ito sa loob.  Sa ngayon ay pinapayagan na rin ang ilang kalalakihan sa ilang siyudad na magsuot ng shorts, subalit dapat ay hanggang tuhod o lampas tuhod ang haba at hindi litaw ang hita nila.  Sa kababaihan ay bawal pa rin ang shorts o ang pagsusuot ng mga revealing clothes at ang paghahantad ng buong braso sa mga publikong lugar.

Malaking bahagdan sa populasyon ng mga GCC countries ay ang mga expats mula sa iba’t ibang bansa na nagtatrabaho at kinakailangan nilang sumunod sa mga batas na pinaiiral para sa mga manggagawa. Although ang karamihan ngayon sa mga bansang kaanib sa GCC ay maluwag-luwag na ang mga patakaran sa mga namamasukang dayuhan, may mga batas pa ring dapat sundin ang mga expats. Isang halimbawa rito ay ang pagkakaroon ng legal paperwork tulad ng Iqama (sa Saudi Arabia) o resident permit kung ikaw ay lalabas ng accommodation o pansamantalang tirahan.  Although pwede kang bumili ng sasakyan, dapat ito’y maibenta at mailipat sa ibang pangalan kung ikaw ay uuwi na o mapapauwi ng kompanyang pinaglilingkuran.  May batas na rin na kapag di napapasahod ng 3 buwan o mahigit pa, ang isang manggagawa ay pwede nang lumipat ng kafil o sponsor. Sa ngayon marami sa mga kompanyang oil-based o iyong tinatawag na GES+Contractors ay nagsasara na at maraming expats ang napapauwi nang wala sa oras dahil sa pagbaba ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan. Ang mga presyo ng visa ay tumaas na rin at pati na rin ang mga traffic fines, na bukod sa multa ay may kasama pang pagkakulong nang minsa’y mahigit pa sa isang araw.

Sa mga bansang medyo mahigpit sa mga dayuhang manggagawa, ang ginagawa nila ay dumadayo sa ibang GCC member countries pag holiday periods (gaya ng Ramadan at Hajj Eids) tulad sa Bahrain, Qatar, Oman o Dubai (UAE) kung saan ay medyo maluwag ang pagkilos ng mga dayuhan.  Sa mga bansang ito ay may mga lugar na pwedeng manambahan ang mga Kristiyano, may mabibiling karne ng baboy at iba’t ibang uri ng inuming nakakalasing, mga massage parlors, sinehan o kaya’y pwedeng magmaneho ang mga babae.  Sa Saudi Arabia ay hindi pwedeng papasukin ang sinumang may travel stamp mula sa bansang Israel, kaya pag sila’y pumupunta sa bansang ito ay dumaraan sila by land either through Jordan, Egypt or Lebanon kung saan ay hindi na kailangang tatakan ang kanilang pasaporte para makabalik silang muli sa Saudi Arabia.  Bihira din sa mga bansang kasapi ng GCC ang nagbibigay ng citizenship sa mga expats, gaano man sila katagal nang nanirahan sa bansang iyon. Ned Samar

The Levant

the-levant

Ang Levant [ləˈvænt] ay ang rehiyon sa silangang bahagi ng Mediterranean Sea na kinabibilangan ng mga bansang Cyprus, Syria, Israel, Jordan at Lebanon.  Kung minsa’y isinasama ring bahagi nito ang Egypt, partikular ang bahagi ng Sinai Peninsula, timugang Turkey at ang estado ng Palestine (or the Occupied Territories of the West Bank and Gaza Strip).  Ito rin ang pinanggalingan ng letrang “L” sa ISIL (Islamic State of Iraq and the Levant) na naging ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) at ngayo’y IS na lamang.

Ang Levant ay mula sa salitang medieval French na ang ibig sabihin ay “ang pagsikat” na ang pinatutungkulan ay ang lupang sinisikatan ng araw. Kaya kung ikaw ay nasa Francia, ito ay tugma sa direksyon ng Levant.  Sa Alemania naman ito ay tinatawag na Morgenland o lupa ng umaga (Land of the Morning).

Ang rehiyong ito ay isa sa pinakamadugong lugar sa buong daigdig dahil sa dami ng dugong dumanak dito mula pa noong unang panahon.  Hanggang sa ngayon ay marami pa ring nagbubuwis ng buhay dito dahil sa relihiyon at sa pulitika. Noong ika-13 at ika-14 na siglo ang terminong “levante” ay ginamit ng mga Italyano sa kanilang pandagat na komersyo sa silangang bahagi ng Dagat Mediterrano, kasama na ang Grecia, Anatolia, Syria-Palestine at Egypt.  Ito iyong mga lugar na nasa silangan ng Venecia o ng Italy, na siyang pinakasentro ng komersyo noon. Nang bandang huli ang terminong ito ay ginamit na lamang sa mga bansang Muslim gaya ng Syria-Palestine at Egypt. Samantalang ang katawagang Levant States ay ginamit naman ng mga Franses sa kabuuan ng Syria at Lebanon matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI). Maraming iskolar ang nagkakamali na ang salitang ito ay hinango mula sa pangalan ng Lebanon. Sa ngayon ito’y ginagamit na lamang sa pagbanggit sa mga lathalain na may kinalaman sa lumang kasaysay ng rehiyong ito.  Hindi masyadong malinaw kung alin ang eksaktong kabuuan ng Levant subalit ito ang rehiyon na napapaligiran ng bundok ng Taurus ng Turkey sa bandang hilaga, ng Dagat Mediterrano sa kanluran, at sa silangan ng Disyertong Arabia at Mesopotamia.  Hindi kasali dito ang Anatolia (dating Asia Minor, na ngayo’y Asian Turkey); bagama’t minsa’y isinasama ang Cilicia, ang kabundukan ng Caucasus o ang ilang bahagi ng Arabian Peninsula. Ang Sinai Peninsula (bahagi ng Egypt na sakop ng Asia) ay iniuugnay rin dahil ito ang pinakatulay ng Levant at ng hilagang bahagi ng Egypt na sakop ng Africa.

Ang Levant ang siyang pinakasangangdaan (crossroads) ng kanlurang Asya, silangang Mediterrano at hilagang-silangang Africa, at ang hilagang kanluran ng tinatawag na Arabian plate.  Ang populasyon ng mga tao rito ay binubuo ng mga Muslim at ng ilang sekta ng Kristiyanismo tulad ng mga Maronites, Roman Catholics, Protestants, Armenians (belonging to Armenian Apostolic Church) at Copts, at ang mga Judio (Jews).

Ang lengguwahe namang namamayani dito ay ang tinatawag na Levatine Arabic o Mediterranean Arabic.  Sa Israel, ang Hebreo ang opisyal na lengguwahe, bagama’t may mga nagsasalita rin ng Arabic.  Sa Cyprus ay may mga nagsasalita ng Griyego at ng Turkish.

Ang mga Levantines (katawagan sa mga tao sa rehiyong ito) ay karaniwan nagmula sa lahi ng mga Italyano, partikular na ang mga Venetian at Genoese (Italo-Levantine) mula sa Venice at Genoa), o kaya’y Franses (Franco-Levantine) at iba pang pinaghalong lahing Euro-Mediterranean. May mga natitira pa ring mga Italian Levantines sa ilang bahagi ng Turkey, gaya ng Istanbul at Izmir. Sila iyong mga kasapi ng Latin rite Catholics sa Turkey.

Ilang naging sikat na mga makabagong Italian Levantines ay ang mga sumusunod:

  • Sir Alfred Biliotti, na naging isa sa mga pinakakilalang British Consular officer noong ika-19 na siglo. Isa rin siyang tanyag na arkeologo na naghukay ng mga artifacts sa iba’t ibang lugar sa Aegean at Anatolia.
  • Livio Missir di Lusignano, isang historian o manunulat ng kasaysayan. Isa sa kanyang isinulat ay ang Les anciennes familles italiennes de Turquie.
  • Giusepppe Donizetti, isang musikero. Siya ay naging Instructor General of the Imperial Ottoman Music sa korte ni Sultan Mahmud II.
  • Giovanni Scognamillo, isang manunulat. Nilikha niya ang Memorie di Beyoglu di un Levantino noong 1989.
  • Konde Abraham Salomon Camondo, isang Jewish Turkish-Italian na pilantropo at mangangalakal na tinaguriang patriyarka ng pamilyang Camondo.

Nang mapalipat sa pamamahala ng Britannia ang timugang bahagi ng Ottoman Syria makalipas ang Unang Digmaang Pandaigdig, karamihan sa mga pinuno ay ginamit ang katawagang Levantines sa mga magkahalong Arab Europeans na naninirahan sa Lebanon, Syria at Israel, at sa mga Europeans (Franses, Italiano of Griyego) na natutong makisalamuha at ginagap ang lokal na pananamit, tradisyon at mga kaugalian sa rehiyon.  Sa ngayon, maliit na bahagdan na lamang ng mga Latin Catholics sa Lebanon ang masasabing nagmula sa French/Italian descent. Ned Samar

levant

Satellite and political maps of the Levant including Cyprus, Syria, Israel, Jordan, Lebanon, Palestine and the Northern Sinai (Courtesy of Google Earth)

Homesickness

Marami sa mga Pinoy na nasa abroad ay dinadalaw ng matinding homesickness, na kapag di naremedyuhan kaagad ay maaring mauwi sa pagsu-suicide, pagkasira ng ulo o kaya’y pag-a-amok. Nakalulungkot na ng dahil sa kagustuhan ng maraming mga padre de familia (kahit na nga mga ina ng tahanan), na mabago ang antas ng pamumuhay ng kanilang pamilya ay marami rin ang nauuwi sa wala o sa hindi magandang kahihinatnan. May mga pamilyang ng dahil sa kakulangan ng constant communication ay nagkakahiwalay, nagkakaroon ng panibagong “temporary family” sa abroad at kung magkaminsan pa nga’y nauuwi sa kaso sa husgado. I remember nang bago pa lamang akong nag-a-abroad, ang lagi kong reklamo sa asawa ko ay ang katamaran nya sa pagsulat, o kahit na sa pagsagot sa aking mga liham.  Di pa kasi uso noon ang cell phones at para makatawag ka lamang sa mahal mo sa buhay ay pipila ka sa isang linya na halos kalahating kilometro ang haba at ang singil noon ay mga SAR 12 per minute.  Suwerte mo kung nasa bahay ang tinatawagan mo.  Nang mauso ang phone cabin, medyo gumaan-gaan na ang pakikipagkomunikasyon.  And lately, thanks to modern technology, may cell phones na every few months ay may new revision, may Facebook, may Instagram, may WhatsApp, may Skype, may LinkedIn, may Tango, WiFi connections at kung anu-ano pang social media na nagke-cater sa lahat ng antas ng buhay at uri ng pamumuhay.  But before these media and technology innovations, it was really hard and common to be empowered by homesickness.  I remember nang isang hatinggabi ay ginising ako ng aking ka-roommate dahil nanaginip daw ako at umiiyak. Sa kanyang hinala ay homesick ako, kaya pinainom niya ako ng kapeng mainit at nagkuwentuhan kami until the wee hours of the morning.  Weekend naman kaya hindi ako masyadong nag-alala at pinagbigyan ko ang alok nya dahil mas matanda siya sa akin.

straight-from-the-middle-east_homesickness

Ang homesickness ay ang pangungulila sa mga mahal sa buhay na naiwan sa sariling bansa ng isang nangibang-bansa para lamang kumita ng sapat na pera na di kayang kitain sa sariling bansa.  Ito’y dinaranas ng kahit sino sa lahat ng antas ng pamumuhay. Ang mga karaniwang dahilan ng pangungulilang ito ay kapag nakakaranas ang isang OFW o ng sinumang nangibang bansa ng pagsubok, hirap sa trabaho, mga problema sa pakikisama sa katrabaho o kasama sa pansamantalang tirahan.  Malimit dito pumapasok ang pagnanais niyang sana’y kapiling niya ang kanyang asawa o kung sinumang mahal sa buhay para may mapaghingahan ng kanyang sama ng loob.

Recently a skilled worker from Saudi Oger ay nagbigti dahil sa sobrang habag sa sarili sapagkat ilang buwan na silang di pinasasahod at ang kanyang pamilya’y pinagbibintangan siyang may iba ng pamilya sa Saudi Arabia.  This could have been avoided if there was proper communication between him and his family.  Kalimitan kasi sa mga Pinoy, especially iyong mga naiwan sa Pilipinas ng isang OFW, they rely too much on hearsays and rumors without verifying the facts.  Kapag wala kang pera, di ka sumasahod at wala kang pantawag, talagang magkakaroon ng problema.  Lalo na kung kinumpiska ng kompanya ang iyong Iqama (resident permit), just to be sure na di ka tatakas sa compound; di ka pwedeng bumili ng simcard dahil kailangan ang Iqama para i-register ito, together with fingerprinting.  Dito sa Saudi Arabia lahat ng simcard (maging mga internet simcard na pang mobile phone o WiFi) ay required na naka-register sa pangalan ng may-ari (o kung sinuman ang bumili nito), kaya’t lahat ng cell phone numbers ay may kanya-kanyang identifiable owners.  Isa sa mga rason dito ay para madaling ma-monitor ang mga may kinalaman sa kriminalidad. Nawa’y gawin din ang ganito sa Pilipinas para madaling ma-trace iyong mga gumagawa ng mga scams at sari-saring pandaraya sa kapwa.

Ayon kay Arianna Huffington, isang Greek American author, kolumnista, occasional actress, at businesswoman, ang homesickness daw ay ang pangungulila o paghahanap sa Diyos at ang naisin na maging buo o kumpleto ang mga sarili, tulad ng isang sundalong nawalay sa kanyang asawa na kahit anong gawing pagsisikap ay walang pwedeng makatighaw dito.

straight-from-the-middle-east-homesickness2

Pinakamatinding problema ng mga nangingibang bansa ay ang homesickness, especially kung first time nyang mawalay sa kanyang pamilya.  Ang maipapayo ko sa mga bagong nag-a-abroad ay ang maging aktibo sa mga sports o athletic activities at sumapi sa mga available na civic organizations para hindi siya ma-possess ng homesickness.

Karamihan sa mga nakakaranas ng homesickness ay iyong palaging nag-iisa o kaya’y hindi mahilig makipagsosyalan.  Pwede rin namang dumalo sa mga pagtitipong panrelihiyon.  May mga bansa dito sa Middle East na kung saan pinapayagan ang ganitong uri ng aktibidad sa isang lugar na sadyang inilaan o ipinagkaloob ng gobyerno para sila makapanambahan nang may kalayaan.   Sa Dubai ay may compound na kung tawagi’y St. Mary’s na kung saan ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo ay pwedeng magdaos ng services nang naayon sa napagkasunduan oras.  Bawa’t ministry ay may kanya-kanyang oras ng gawain alinsunod sa nakatakdang schedule na kalimitang nakapaskel sa bulletin board. Ganito rin sa Kuwait, Qatar at Bahrain.  Samantalang sa Syria, Iraq at Iran ay medyo delikado ang mga ganitong pagtitipon dahil sa paglaganap ng terorismo na karaniwang isinasagawa ng bagong anyo ng Islam, ang style ng IS – pag napag-tripan ka, either you end up being tortured or you die on the spot.  Naghahasik sila ng takot especially sa mga religious minorities tulad ng mga Christians (of all sects), Yazidis, Shi’ite Muslims, Kurds at iba pang relihiyon sa rehiyong ito. Sa Lebanon, although majority ang mga Christians dito na tinatawag na Maronites, hindi rin safe ang pagsisimba dito, gaya rin naman sa Egypt at Israel.

Bukod sa mga nabanggit ko na, ang isa pang paraan para maiwasan o mabawasan ang homesickness ay ang pagkakaroon ng hobby.  Maraming uri ng hobby o libangan – ito iyong mga karaniwang napag-uukulan mo ng pansin pag ikaw ay free o hindi busy, tulad ng pangungulekta ng mga coins (numismatics) o kaya’y mga selyo (philately), pag-aalaga ng mga isda sa aquarium, paghahalaman (either outdoor or indoor gardening), pagsa-surf sa Internet ng mga sites na nakalilibang at nakapagdaragdag ng kaalaman, pagguhit o pagdu-drawing (art/sketching), pagdidisenyo ng mga damit, pagsusulat, pananahi o pagbuburda (sewing/embroidery), pagluluto ng iba’t ibang putahe at kakanin, paglikha ng mga awitin (songwriting/composition) o iba’t ibang uri ng puzzles, pag-iipon ng mga seashells, mga mamahaling hiyas at bato (gemstones and rocks), iba’t ibang kulay ng buhangin mula sa disyerto at kung anu-ano pang mga bagay na pwede mong kulektahin sa bansang iyong kinalalagyan.  Kung gugustuhin ng sinuman, maiiwasan talaga ang homesickness dahil napakaraming kaparaanang magagawa.  Ang pinakamadali ay gawing busy lagi ang sarili at huwag mag-iisa. Mas makabubuti sa mga bagong dating sa ibang bansa na maghanap ng mga dati o bagong kakilala, kaibigan at barkada.

Ang karaniwang solusyon ng ilang Pinoy na naho-homesick ay ang pag-uwi kahit di pa tapos ang kontrata. Malimit ito ay may karugtong na pagsisisi o sisihan ng mga kaanak kaya. At ang nangyayari tuloy ang homesickness ay nababaligtad.  Ang gusto naman ng umuwi ay ang bumalik sa bansang pinanggalingan (o kaya’y sa ibang bansa) matapos niyang mapagtantong mali pala ang kanyang naging pasya. ‘Ika nga, pag narating mo na ang tulay, saka ka pa lang tatawid o malalaman kung paano mo ito tatawirin.

Madali ang magtrabaho, ang mahirap ay ang pakikisama sa mga kasama sa bahay o accommodation at sa mismong workplace.  Lalo pa nga’t naroroon ang pangungulila mo, mas titindi ang pangangailangan mo ng self-control dahil baka maging isa kang war freak.  Lahat ng salita mong maririnig mula sa mga kasama mo ay iba ang magiging dating sa iyo – at usually ay on the negative side.  So ito ay kalimitang nauuwi sa di pagkakaunawaan o kaya’y away na walang kakwenta-kwenta.  Marami naman sa mga kalalakihan ay umiinom ng alak na gawa locally ng mga kapwa Pinoy na nais magkapera, pero ang mga ito’y usually toxic at nakakabulag dahil sa kakulangan ng safety and hygienic procedures sa paggawa.  Pag ikaw naman ay nakapatay o nanakit ng kapwa, kalimitan ay sa bilangguan ang iyong bagsak.  And it would take months or years bago ka mahatulan at makalaya.  Pag nakapatay ka, either magbabayad ka ng tinatawag na blood money o mapupugutan ka ng ulo. Dapat ang mga bagay na ito ay isinasama sa idinadaos na PDOS na dinadaluhan ng mga nangingibang bansa, lalo na iyong papuntang Middle East na kung saan ibang-iba ang kultura at mga tradisyon na daratnan nila.

Sabi nga ng isang lumang awitin, “Napakasakit, Kuya Eddie.”  May kasabihan din sa Tagalog na “laging nasa huli ang pagsisisi.”

John Litten also quotes, “We don’t call it homesick.  We call it missing home.  There’s not a sickness involved, it’s a state of mind.”  This is very true indeed. Ned Samar

straight-from-the-middle-east-homesickness3

Jeddah – The Bride of the Red Sea

Ang Jeddah (o minsan ay binabaybay na Jiddah), isang lungsod sa Saudi Arabia na namamaybay sa kahabaan ng Red Sea, ay isang makabagong commercial hub at daanan (gateway) ng mga nais gumanap ng tinatawag na pilgrimage sa dalawang banal na siyudad ng Islam, ang Makkah (Mecca) at Madinah (Medina). Maraming mga resort hotels, beaches at mga outdoor sculptures ang nakahilera sa tanyag na Corniche, a seafront promenade na kung saan matatagpuan ang sikat na Jeddah Fountain o King Fahd’s Fountain, isa sa itinuturing na pinakamataas na fountain sa buong mundo.

the-jeddah-fountain-at-night-mapio-net

map

Marami ring magaganda at naglalakihang mga monumento at iskulturang ginawa pa ng mga international sculptors na nakapagitna sa mga intersections at roundabouts (circles) sa buong siyudad, tulad ng The Fist sa may Sultan Street, The Bicycle (Al Darajah) sa may Al Faisaliyah, The Solar System (Al Falak) sa Sari Street, the Globe Roundabout sa Al Mohammediyah, atbp.

the-compass-al-daraja-the-fist-balad-gold

Ang Al-Balad, na pinakasentro ng pangangalakal at mga pamilihang katutubo, ay may mga lumang traditional Arab houses and buildings na gawa sa mga bricks, straw at coral.   Naririto rin ang mga bilihan ng mga pabango, electronic appliances and gadgets, computer accessories, clothes and fabrics, spices at mga lantay na alahas (ginto at pilak). There is a big area in Al-Balad specializing in the commercial sale of gold, silver and gemstones, including original Saudi designs and imported ones. Sasawa ka sa kaiikot dito sa Balad kung araw ng Huwebes o Biyernes dahil sa dami ng mga souk na nagtitinda ng kung anu-ano.  Halos puno lagi ang lugar na ito kapag araw ng suweldo at lalo na kung Biyernes ng gabi.  Lahat na yata ng lahi ng tao ay makikita mo rito.

Subalit ang Jeddah ay makabago rin at maraming naglipanang mga naglalakihang shopping malls, hotels at mga makabagong kalsada, bukod pa sa mga salisalimuot na mga tulay at intersections na sadyang ginawa para maibsan ang labis na traffic jams.

bab-makkah-malls-wooden-bridge-jeddah-lighthouse

Sa Jeddah rin matatagpuan ang mga wooden bridges na naglipana sa mga busy streets ng lungsod.  Ang mga tulay na ito na yari pa sa mga imported at matitibay na kahoy ay ginagamit bilang tawiran ng mga tao sa ibabaw ng mga kalsadang punung-puno lagi ng mga sasakyan sa lahat halos ng oras!  Isa ang Jeddah sa may pinakagrabeng problema sa trapiko sa buong Saudi Arabia at Middle East, magmula nang magluwag ang gobyerno sa pagbibigay ng permiso sa pagbili ng sasakyan sa mga expats.  Dati mga locals lang ang nakakabili ng mga magagarang kotse, SUVs at sports cars.  Ngayon, if you have the money, you can buy any type of car in installment plans.

Sa Jeddah rin itinatayo ang magiging pinakamataas na istraktura sa buong mundo, ang Kingdom Tower na may taas na isang kilometro. Bukod dito marami pa ring mga matataas na buildings ang itinatayo sa Jeddah, especially along the beautiful Corniche.

Nasa Jeddah rin ang pinakamataas na lighthouse o parola sa buong mundo na nasa Jeddah Islamic Port, ang isa sa pinaka-busy na shipping terminal port sa Middle East, at ang pinakamalaking bandila o watawat sa buong mundo. Name it, Jeddah has it!

big-saudi-flag-man-made-island-new-kaia

Jeddah also boasts of having one of the longest and most beautiful corniches (a corniche is a road or system of roads built along a coast) in the world that runs the whole Red Sea waterfront from south to north of the entire western side of the city, which is well lit at night and decorated during the Ramadan and Hajj periods. Ang Red Sea ang isa sa pinakamaalat na dagat sa buong mundo at isa rin sa kung saan ay well preserved ang mga marine animals and plants.  Maraming makukulay na isda at corals dito at ang tubig ay napakalinaw, kaya maaaninag mo ang mga isda at mga corals kahit sa ibabaw ng tubig! Sa palibot nito ay maraming beach resorts, mga parks na may iba’t ibang klase ng rides para sa mga bata, at may mga areas for horse, pony, camel or donkey riding, biking and simply viewing the beautiful sunset at the Red Sea.  Sa Jeddah Corniche ay may isang special view deck na ipinagawa para doon sa mahilig sa nature. Ito’y parang kalsadang korteng “Y” sa ibabaw ng tubig ng Red Sea na kung saan pwede kang mamingwit ng isda o manood ng paglubog ng araw at ng mga alon. Mayroon ding mga cafes at restaurants dito at ilang manmade at natural lagoons o ponds na may mga paupahang sasakyang pantubig, at saka mga monuments at mosques na naiiba ang arkitektura.   Nakahanay din dito ang mga nagtataasang gusali na ang mga kontratista ay mula pa sa ibang bansa. May itinatayo ring bagong economic city o business district sa may Abhur area na ang magiging pinakasentro nga ay ang itinatayong one-kilometer tall na Kingdom Tower.

Bukod dito, ang King Abdulaziz International Airport ay gagawing pinakamakabago at pinakamalaki sa buong Middle East. Ito’y magkakaroon din ng train services and will be connected to the Kingdom Tower business district.

Sa kabila nito ang Jeddah ay nakakaranas din ng mga di pangkaraniwang dagok ng kalikasan.  Noong taong 2009, nagkaroon ng matinding pagbaha ang ilang bahagi ng Jeddah at itinuturing itong pinakamalubha sa loob halos ng 3 dekada. Mahigit isang daang katao (locals and foreigners) rin ang nalunod at libu-libong sasakyan ang nasira at inanod ng malakas na agos ng tubig sa mga underpass at ilang mabababang bahagi ng lungsod.  Naulit ito noong unang bahagi ng 2011, although hindi masyadong ganoon ang naging dami ng casualties ay marami naman ang nawalan ng tahanan at may isang bilangguan na kung saan ay maraming preso ang namatay.

Bagama’t moderno at cosmopolitan ang Jeddah, wala naman itong proper drainage system at usually ang mga sewers ay manual na sinasalok o ginagamitan ng mga pumps at isinasalin sa mga trucks o tanker para dalhin sa waste water treatment plants o kaya’y sa isang malayong lugar para doon itapon. Gayundin sa pagdaloy ng tubig sa mga bahay para sa pampaligo o paglalaba.  Ito’y dinadala rin ng mga watertrucks at saka isasalin sa mga underground tanks ng mga bahay, na ginagamitan naman ng mga water pumps para padaluyin sa itaas ng mga buildings na mahigit sa isang palapag. Normally naman ang drinking water (for drinking and cooking) ay binibili sa mga department stores o kahit sa karaniwang baqalah o convenience store. Hinihinala na ito ang dahilan ng mga nakaraang pagbaha bukod sa katiwalian sa gobyerno sa pagbibigay ng permiso sa pagpapatayo ng mga bahay sa ilang bahagi ng lungsod.

Nasa ibaba ang ilang larawan at naging resulta ng dalawang matinding pagbaha sa Jeddah, pati na ang isang sipi ng pahayagan sa kinalabasan ng naging kaso ng ilang mga taga Baladiyah.

ARAB NEWS, 13-Mar-2013

JEDDAH: KHALID AL-SIBYANI

Twenty-one people found guilty of criminal charges related to Jeddah flood disasters have been sentenced to jail for a total of 85 years and fines of SR 6.5 million, according to sources at the third district administrative court in Jeddah. The flood disasters in 2009 and 2011 left over 133 people dead and over SR 1 billion in damage to private and public property. The government paid out millions in compensation to victims and their families. Fifteen people have been cleared of all charges. They include workers, businessmen, honorary members of a sports club and a number of well-known football players. A number of trials are still under way, out of 100 cases before the courts. In one case, a notary public received a bribe of SR 16 million to fabricate a deed for a four million square meter piece of land. Among the people on trial were real estate developers and businessmen. A senior official at the municipality and a businessman were convicted and sentenced each to five years in jail and a fine of SR 700,000.

 
The source revealed that the municipal official gave permission for the public to buy and build homes in the Quwaizah district, the area devastated by the floods. The source said the official’s signature was on the Quwaizah neighborhood blueprints and that he had not surveyed the area. A number of maps were shown during the trial that proved, contrary to the claims of the official, that the land in question was on a flood course of a valley. Investigations revealed that the former official got a bribe of SR 5 million in return for his signature on the plan. The court source said that the official, by doing so, violated regulations on land prone to floods. The source told Arab News that during the trial, the official got a heart attack when he heard the verdict against him. The court turned down a motion to release him on bail and instructed medical treatment for him inside prison. The source said that one of the prominent suspects exonerated was a well-known businessman and president of a popular sports club in Jeddah. He was initially accused of paying around SR 6 million over five years to the former deputy mayor of Jeddah, in return for a project to build a bridge over a Jeddah flood route. After presenting a rebuttal and 17 exhibits, the court exonerated him. One person was sentenced in absentia. The court ruled that he spend six years in jail and pay a fine of SR 600,000. The court source said that the state has objected to a number of verdicts to exonerate defendants. These cases are now on appeal.

photos-of-2009-and-2011-jeddah-floods

photos-of-2009-and-2011-jeddah-floods2

Despite these tragedies, Jeddah is still the shopping paradise and the ultimate destination for most pilgrims coming to perform either Hajj or Umrah, and as such the local people have been used to having foreigners among them day in and day out.  This is of course, aside from those expatriates regularly employed in the different companies and establishments whose headquarters, branches and offices dot the city of lights, malls and bridges.

jeddah-corniche-and-king-abdullah-sports-city

Tunay na maganda ang Jeddah na kung saan ako nakapanirahan at nakapagtrabaho nang mahigit na dalawampu’t limang taon.  At lalo pa itong gumaganda sa mga plano ng gobyerno at ng ilang mayayamang Saudis at mamumuhunan. Tunay na talagang parang isang babaeng ikakasal ang Jeddah sa kanyang kariktan, hindi lamang dahil sa likas niyang ganda kundi sa mga idinaragdag pang pampaganda.  Welcome to Jeddah, the Bride of the Red Sea! Ned Samar

colorful-marine-life-and-beautiful-sunset

Living in a ‘Hot Spot’

Nang una akong dumating sa Saudi Arabia noong taong 1987, medyo malala na ang digmaan sa Middle East – Iraq contra Iran.  Ang Iraq noon ang pinapanigan ng Estados Unidos.  Nauso ang palitan ng scud missiles.  Makalipas ang mahigit na isang taon, ang Iraq ay nilusob at inangkin ang Kuwait na noon ay isang tahimik at independiyenteng estado.  Dahil sa mataas na antas ng ekonomiya at pamumuhay, idineklara ng Iraq (under Saddam Hussein) na ito ang ikapitong lalawigan ng Iraq.  Maraming Kuwaitis ang nagsilikas at nagpuntahan sa karatig na bansang Saudi Arabia.  Kinupkop ng mga Saudis ang mga Kuwaitis, kasama ang ilang mga domestic helpers na karaniwa’y Pinay at Indonesian.  Ang karamihan sa kanila ay tumirang pansamantala sa mga Iskan buildings sa Al Khobar, Dammam, Jeddah at Riyadh.  These were actually housing units built by the Saudi government for their people.  It was chaos everywhere.  I remember one time a scud missile from Iraq hit one of our company accommodations in Riyadh.  Then in the Eastern Province, a “stray” scud missile hit one of the compounds in Al Khobar where the U.S. military personnel were staying.  There were some casualties in these hits.

Saudi Arabia is surrounded on most of its northwestern border by Jordan and on the northeast by Iraq and the re-established State of Kuwait; while in the south, lies one of its recent enemies, Yemen.  Along its eastern fringes, lie the friendly nations of Bahrain, Qatar, the United Arab Emirates and Oman. Across the Gulf (whether you call it Arabian or Persian Gulf really doesn’t matter) is its fiercest nemesis, Iran.

Sa loob ng halos tatlong dekada kong pagtatrabaho at pagtira dito, naranasan ko ang maraming pagkakataon na ang panganib ay nasa paligid lamang.  Sa Jeddah noong early 1990s, ay kasama namin sa aming compound ang mga lalaki’t babaeng piloto, copilots, navigators at mga flight engineers na mula sa US, bukod pa sa mga paramedics at mangilan-ngilang entertainers na paminsan-minsan ay sumusulpot sa aming malaking auditorium.  Dahil ang tirahan ko noon ay malayo sa city proper, well-guarded ang compound – may machine gun sa may main gate na napapaligiran din ng mga sandbags at may mga guwardiyang Saudi na armado.  Nagkalat din sa perimeter fence ang CCTV cameras.  Para kaming nakatira noon sa military camp dahil kabikabila ang mga nakaunipormeng sundalo at mga US Air Force personnel.  Naging normal din ang takbo ng aming buhay kahit ganito ang situwasyon sa paligid.  Araw-araw naman ay walang laman ang mga pahayagan dito kundi ang mga paglusob sa Iraq ng mga Allied forces.

Nang matalo na si Saddam Hussein, nagkarooon naman ng malaking problema sa mga Al Qaeda, sa loob at labas ng Saudi Arabia.  Sa Yemen, may binombang isang barkong military ang mga jihadists.  Jihad ang tawag nila sa kanilang ideolohiya – isang pakikidigma laban sa mga tinatawag nilang “infidels” o hindi kaisa sa kanilang pananampalataya.  Tinatawag din naman silang extremists o fundamentalists dahil sa kaibang uri ng Islam na kanilang ipino-promote at inihahasik sa mga kabataan.

MidEast map

Ang pagkakadakip at pagkakapatay kay Osama Binladen, na siyang pinaniniwalaang utak ng pagpasabog sa World Trade Center (WTC) noong 2001, ay isa sa  mga naging mitsa ng paglago pang lalo ng Al Qaeda, ang pagkakaroon ng mga iba pang factional groups within its ranks at ang pagsisimula ng Al Qaeda in the Arabian Peninsula (AQAP).  Ginamit din itong propaganda at modelo ng Al Shabab sa Somalia, ng Boko Haram sa Nigeria at Chad, ng Taliban sa Afghanistan at Pakistan, ng Hezbollah ng Iran sa timugang Lebanon, ng Hamas na namamayagpag sa Palestine at kumikitil ng buhay ng mga Israeli halos araw-araw, ng kidnap-for-ransom na grupo ng Abu Sayyaf sa bandang timog-kanluran ng Pilipinas, at lately ng Islamic State caliphate sa northeastern part ng Syria at northwestern part ng Iraq.

Sa ngayon ang problema ng Saudi sa Yemen ay ang mga tinatawag na Houtis na ang akusasyon ng ilan ay mga pakawala at doktrinado sila ng bansang Iran para guluhin ang mga katutubo.  Ang mga Yemeni ay likas na mababait, especially sa mga Pinoy.  Sila ang mga karaniwang namamahala ng mga shops o tindahan dito sa Saudi.  Karamihan sa kanila ay marunong mag-Tagalog kapag Pinoy ang mamimili. Subalit nang magkaisang muli ang North and South Yemen, medyo hindi naging maganda ang relasyon ng Yemen at ng Saudi Arabia.  Maraming mga Yemenis ang pinauwi (repatriated). Later on, nagkaroon ng panibagong giyera sa Yemen at pumasok ang Saudi Arabia, kasama ng US, at pinagbobomba ang mga inaakalang pugad ng mga Houtis sa Yemen. Habang dito naman sa Eastern Province ay may mangilan-ngilan ding sporadic skirmishes at pagpapasabog na ginagawa ang mga Shi’ite Muslims.  Ang Saudi Arabia ay dominado ng mga Suni at ang mga Shi’ites ay marginalized.  Pareho rin ang kalagayan ng mga Shi’ites sa Bahrain.  Ang mga Shi’ites (mula sa salitang Shia) ay mostly nasa Eastern Province, sa mga bayan ng Al Qatif, Hofuf, at Khafji.  From time to time, ay may mga checkpoints na ginagawa dito kapag may mga suicide bombing na nangyayari.  Kailan lamang ay may nag-suicide bombing sa tabi ng U.S. Consulate sa Jeddah at sa may tabi ng Prophet’s Mosque sa Madinah (Medina).  It’s really a bit scary here sometimes, but life goes on normally after each blast.  The papers may be full of explosive news about this radicals and jihadist activities, but we just shrug off our shoulders and continue with our daily chores as if nothing happened at all.

Another thing worth mentioning, although it’s not that impossible to happen, is the chaos going on in parts of Syria and Iraq, which are both just beyond the northern borders.  It’s just lucky enough the main war zone is within the upper north of these countries.  The self-proclaimed IS caliphate, which no country has ever recognized so far, is continuing to attract and inject its venom to young Muslims all over the world via the internet and social media.  And it has spilled out to its neighboring countries like Saudi Arabia, Libya, Egypt, Tunisia and Yemen.  And it’s actually happening.  More and more suicide bombers affiliated with IS (the latest evolution of ISIL and ISIS or Daesh in Arabic) are trying to end their lives here by doing some “heroic deeds” which would eventually (as they believe) send them straight to Paradise.  But more and more innocent lives are killed by their ideology.  Belgium, France, Germany, Turkey, Kazakhstan, UK, and even the USA, have experienced being caught up in the IS maelstrom. There’s no place that is safe enough in this world nowadays. But as I have stated earlier, life continues as usual.  Being in the middle of a hot spot is like being in the eye of a storm or a hurricane – it’s quiet and normal, without any hint of the troubles spinning around it! Ned Samar

HOFUF – The Dates Capital of Saudi Arabia

First time kong sumakay ng tren dito sa Saudi Arabia, pero I did enjoy it.  Bukod sa air-conditioned ang lahat ng coaches, ay malinis din ang mga ito. Very smooth ang takbo ng tren at hindi mo mapapansin na nakasakay ka lang sa tren.  I was very excited sa unang pagbibiyahe ko sa tren papuntang Hofuf, para dumalo sa isang Leadership Training Seminar na kung saan ay muli kung nakadaupang palad si Kuya Romy Ballonado.  Mahigit kasing two years na di kami nagkikita.

Nang kumuha ako ng ticket sa Saudi Railways Organization sa Dammam Station, katabi lamang ng Iskan buildings na tulad ng nasa Jeddah, napansin ko na para ka lamang sasakay ng SAPTCO (Saudi Arabian Public Transport Co.) bus.  Maayos ang facilities nila, may hintayan ng mga babae at pamilya, at mayroon din namang para sa mga lalaki lamang o bachelors.  Sapagkat Ramadan, namimigay sila ng mga kahon-kahong dates sa mga pasahero bago mag-Maghrib, ito iyong sama-sama nilang pananalangin paglubog na paglubog ng araw. Hindi ako nangahas na kumuha at baka ‘ika ko para lamang sa mga Muslim iyon. Maayos din ang proseso ng pagkuha ng ticket.  Para ka lamang bumili ng load ng Sawa.

Ang biyahe ko ay 8:51 ng gabi at eksaktong 8:51 umalis ang tren mula sa station.  May small monitor o tv sa bandang itaas ng coach namin.  Katabi namin ang restaurant o bistro na kung saan pwede kang bumili ng snacks o meals.  I saw some men eating their breakfast (after not eating anything the whole day) in this part of the train.  Wala akong masyadong maaninag dahil parang one way mirror o tinted ang mga salamin ng coach namin although may nakikita akong mga highway at sasakyan na minsa’y halos katabi lamang ng daambakal. Palibhasa’y gabi ang biyahe ko ay hindi ako masyadong nag-enjoy sa sceneries.  Puro darkness and lights lamang ‘ika nga. Kung ano ang nakatalang oras ng dating ng tren sa Hofuf ay gayundin naman ang naging dating namin. Everything was exactly as written on the ticket.

Medyo mainit at humid pagdating sa Hofuf.  Ang istasyon ay moderno bagama’t medyo luma na ang arkitektura ay maaliwalas, maluwang at maluwag ang terminal. Pagdating ng aking sundo ay tumuloy na ako sa aking titirahang bahay.  I never expected to find something real cozy dahil alam ko nang ang lugar na ito ay puno ng mga lumang bahay na yari sa clay at mga primitive materials. Malayung-malayo sa aking tinitigilang apartment sa Al Khobar, ang aking pansamantalang tirahan ay parang isang bahay-kubo kung ikukumpara.  Ang toilet ay iyong European style na flat at makipot ang pintuan. Ang aking kuwarto na nasa rooftop ay talagang mainit dahil bukod sa nasa itaas ay hindi gumagana nang ayos ang air condition. Maalinsangan talaga at kung hindi ka maliligo ay baka hindi ka makatulog.  But nakatulog din naman ako sa unang gabi ko sa Hofuf. Marahil dahil sa pagod sa paglalakbay at sa puyat ng sinundang gabi.

Ang Hofuf ay tinaguriang isa sa pinakamalaking oasis sa buong mundo.  (An oasis is a fertile or green area in a desert.) Dito ay napakaraming taniman ng dates.  Ang pinakalalawigan ay tinatawag na Ash Sharqiyah o Al Hasa. Hanggang noong taong 1953, Ang Hofuf ang capital ng Eastern Province. Maraming mga landmarks ng dating Ottoman Empire ang mapapansin mo sa kapaligiran – tulad ng Ibrahim Palace, Souq Sweiq, Qasr Ibrahim, Al Uqair atbp.

Sa buong area ng Hofuf ay napakaraming date palm farms at kung Huwebes ay mayroon silang tinatawag na camel market, kung saan idinaraos ang karera ng mga kamelyo. Meron din silang tourist spots dito gaya ng mga lumang souk, flea market na kung saan mo mabibili ang sari-saring uri ng mga spices at herbs, mga katutubong likhang sining at mga gamit sa bahay, mga carpet, at kung anu-ano pang samutsaring kagamitan na pwede mong bilhin para may souvenirs ka mula sa bayang ito.  Narito rin iyong tinatawag na “Juda’s Cave” na ibinansag ng mga Pinoy sa isang kuweba ngunit ang tawag ng mga katutubo ay Jabel Al-Qara na sikat sa mga potteries.

Ang Hofuf ay pinagdurugtong ng mga makabagong highway at riles sa Riyadh at sa Dammam. May mga humahabi rin ng mga tela, mga gumagawa ng tanso at iba pang produktong gawa sa metal, tulad ng mga espada at daggers (parang balisong na may katad na suksukan o bayna) na sikat dito sa bahaging ito ng Gitnang Silangan. Hindi lamang dates ang itinatanim dito.  Mayroon din silang mga prutas, palay, trigo at barley. Malapit sa Hofuf ang Osmaniyah o Shimanyah oilfield, isa sa mga unang balon na nahukay at pinagbukalan ng langis. Bukod dito, marami na ring pabrika at planta sa buong Al Hasa na gumagawa at nagsasa-karton ng mga inuming tulad ng gatas, Laban (maasim na gatas), yogurt, mga fruit juices at sodas.

Minsa’y nakakalibang din ang mamasyal sa mga lugar na gaya ng Hofuf, parang probinsiya sa Pilipinas, malayo sa mga traffic at kaguluhan ng isang lungsod.  Sa aking pag-uwi na-enjoy ko ang mahabang tanawin na halos puro disyerto, maliban sa mangilan-ngilang kabahayan sa gilid ng riles at mga makabagong istraktura na nagsusulputan sa iba’t ibang bahagi ng Al Hasa. Ang hindi ko lamang nagustuhan sa Hofuf ay ang sobrang init at humidity.  Parang ang feeling ko ay nasa loob ako ng napakalaking pugon o oven at bumubuga ito ng mainit na hangin sa buong kapaligiran! Ned SamarStraight from the Middle East