‘Bakit ‘nio tinatapon basura ‘nio sa amin?’

Coverpage Vol 1 Issue 11

Pinagbuntunan ng galit ng isang barangay kagawad ang mga pinuno ng iba pang 51 barangay na nagtatapon ng basura sa kanila, dahil pinaggigiitan ng isang kapitan na patuloy itong arrangement mula pamahalaang lungsod. (A barangay councilwoman vented her frustration on officials of 51 other barangays dumping their garbage in hers, because one chair insisted that the city government continue with the same arrangement.)

“Bakit ninyo tinatapon ang basura ninyo sa amin? Matapos ang higit 20 taon, kami dapat ngayon ang magtapon ng basura sa inyong barangay!” Sa pagkasindak, nanahimik na lamang ang kapitan. (“Why do you dump your garbage on us? After more than 20 years, we should now dump our garbage in your barangay!” Shocked, the chair kept silent.)

Bugnot naman ang ibang opisyales ng naaapektuhang barangay sa nakasusulasok na amoy ng nabubulok at sunog na basura; ang mga lumalalang respiratory ailment, impeksyon sa balat, diarrhea, pagsusuka; ang punung-puno ng basura na ilog pa-Manila Bay. Absent ang sarili nilang kapitan. “Negosyo” niya ang pagtatapon ng basura. (The other officials of the affected barangay denounced the unbearable stink from rotting and burnt garbage; the worsening respiratory ailments, skin infections, diarrhea, vomiting; and the trash-filled river emptying into Manila Bay. Their own chair had absented himself. Dumping was his “business.”)

Pitong taon nang ganito ang sitwasyon sa Malolos City, Bulacan, sa isang summit tungkol sa pamamahala ng ecological waste na kami’y naimbitahan mag-lecture. Hanggang ngayon, hirap ang alkalde na ipa-comply sa mga barangay ang pambarangay na pamamahala sa basura. (That scene goes back seven years in Malolos City, Bulacan, in a summit on ecological waste management where we were invited to deliver a lecture. Until now, the mayor is having a hard time making the barangays comply with barangay-based waste management.)

Sa bisa ng Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, mayroong tagubilin sa mga lokal na pamahalaan na galangin ang pagiging sensitibo ng mga pamayanan sa sanitary landfills (“SLFs”) na maaari lamang pahintulutan sa loob ng limang taon, at nasa mga tao ang pagpapahalaga sa makakalikasan at sustainable solid waste disposal. (Republic Act No. 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act of 2000 mandates local government units to respect the “sensitivities” of communities in siting “sanitary landfills” (“SLFs”), which are good for only five years, and the people to “internalize the value of environmentally sound and sustainable solid waste disposal.”)

Nagtala ang National Solid Waste Management Commission ng 101 “SLFs” o glorified dumps sa bansa. Kasama sa mga “sikat” na SLF sites ang Payatas, Quezon City; San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan; Rodriguez (Montalban) at San Mateo, Rizal; San Pedro, Laguna; at ang Barangay Tanza, Navotas City. (The National Solid Waste Management Commission lists 101 “SLFs” or glorified dumps in the country. The “prominent” SLF sites include Payatas, Quezon City; San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan; Rodriguez (Montalban) and San Mateo, Rizal; San Pedro, Laguna; and Barangay Tanza, Navotas City.

San Pedro upper villages_MegaManilaScene

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga naninirahan sa Payatas para sa writ of kalikasan na naglalayong ipasara ang dump sa mga kadahilanan ng paglabag na pangkapaligiran at pangkalusugan. Hulyo 10, 2000 nang natabunan ng gumuhong basura ang daan-daang residente ng Payatas. Noong ma-relocate ang mga residente roon, walang basura, mayroong malinis na tubig at mayroong hills na natatakpan ng mga puno. (A group of Payatas residents filed a petition for a writ of kalikasan at the Supreme Court seeking the closure of the dump for environmental violations and health reasons. On July 10, 2000, a trash slide buried hundreds of Payatas residents. When the residents were relocated there, it was garbage-free, with clean water and tree-covered rolling hills.)

Tanong ng tagapanguna ng nagpepetisyong mga taga-Payatas sa mga naninirahan sa Quezon City, “Paano kung itapon namin ang basura namin sa mga barangay ninyo?” Malapit ang dump sa pinagkukunan ng maiinom na tubig sa Metro Manila, ang La Mesa Dam at Balara Filters Park. (The Payatas lead petitioner also asked Quezon City residents, “What if we dump our garbage in your barangays?” The dump is close to Metro Manila’s source of potable water, La Mesa Dam and Balara Filters Park.)

Malapit sa Payatas, sa Rodriguez, ang Rizal SLF kung saan apat ang namatay noong 2013 nang gumuho ang gabundok na basura. Itinatapon ng halos lahat ng mga lungsod sa Metro Manila ang kanilang basura sa naturang watershed area. (Near Payatas, in Rodriguez, is the Rizal SLF where around four people died in 2013 when the mounds of garbage collapsed. Almost all Metro Manila cities dump their trash in that watershed area.)

La Mesa Watershed at Google Map

Sa SJDM, nasa itaas na bahagi ng Barangay San Isidro ang dump. Papasok mula mga bayan at papalabas ng Bulacan, kargado ang mga trak ng basura at nakapag-iiwan ng amoy sa mga bahay. Sa watershed din naroroon ang dump na nagbibigay-polusyon sa creek kung saan ang mga naninirahan noo’y nakalalangoy at nakapamimingwit ng mga isda, na kumokonekta rin sa Santa Maria River na dumadaloy sa iba’t ibang bayan ng Bulacan hanggang Manila Bay. (In SJDM, the dump is in uppermost Barangay San Isidro. On their way there from towns in and outside Bulacan, the trucks spill out trash and stink invades the houses. The dump, also in a watershed, pollutes the creek where residents used to swim and fish, and which connects to the Santa Maria River flowing through various Bulacan towns to Manila Bay.)

Bago mahalal, tinuligsa ng mayor ang isa pang SLF sa SJDM na naipasara dahil umano sa walang “customers.” Subalit naipagpatuloy ng dump sa San Isidro ang pagtanggap ng basura kabilang ang hospital waste, sa kaalaman din ng mayor. (Before his election, the mayor opposed another SLF in SJDM, which closed allegedly due to lack of “customers.” But the San Isidro dump continues to accept garbage including hospital waste, with the mayor’s knowledge.)

May apat na watershed at limang spring ang San Mateo, ayon sa isang pinuno ng komunidad. Mga ilang taon ang nakalilipas, nakaiinom siya ng malinaw na tubig sa mga ito matapos siyang mag-jogging. Ngayo’y hindi na tamang inumin ang tubig sa mga ito dahil, aniya, sa dump leachate. Sa 24/7 kung maglabas-pasok na mga trak ng basura, nakalilikhan ng mabigat na daloy ng trapiko at nakapagpaparumi ng hangin. (San Mateo has four watersheds and five springs, said a community leader. Years ago, after jogging in the area, he would drink from the pristine waters. Now the waters are no longer fit to drink, he said, due to the dump leachate. Dump trucks coming and leaving 24/7 create heavy traffic and pollute the air.)

MegaManilaScene_20170506

HANGING MALINIS at maayos na daloy ng trapiko, tuluyan na nga bang maglalaho dahil umano sa mga trak ng basura na pabalik-balik sa hindi kalayuan sa Metro Manila? Larawang unang nailathala sa Mega Scene (ISSN: 2508-0458), pahina 3, Vol 1 Issue 11, sa https://megamanilascene.wordpress.com/2017/05/15/mega-scene-vol-1-issue-11/

 

Sa San Pedro, Laguna, may matatagpuang SLF sa gitna ng middle-class subdivisions kung saan nag-invest ang mga naninirahan ng pinaghirapang salapi sa kanilang pinangarap na mga tahanan. Mala-bangungot ang binibigay ngayon nito sa kanila. (The SLF in San Pedro, Laguna, is located amid middle-class subdivisions where residents invested hard-earned money on their dream homes. It is now giving them nightmares.)

Sa tabing-dagat naman ang SLF sa Tanza, Navotas City na nasa kahabaan ng Manila Bay. Sang-ayon sa RA 9003, nakalugar dapat ang SLFs sa kung saan hindi makapaninira ang landfill operation sa environmentally sensitive resources gaya ng aquifer, groundwater reservoir o watershed area. (The SLF in Tanza, Navotas City, is along the Manila Bay shoreline. RA 9003 states that SLFs must be in an area where the “landfill’s operation will not detrimentally affect environmentally sensitive resources such as aquifer, groundwater reservoir or watershed area.”)

Isang lumalakas na negosyo ang pangongolekta at pagtatapon ng basura na merong “tamang koneksyon” sa nasyonal at lokal na pamahalaan, kasama na riyan ang bilyun-bilyong piso. Sa walang tigil na mga alegasyon ng korupsyon, sinasabi ng RA 9003 na maaaring maghabla ang mamamayan laban sa mga lumalabag sa batas. (Garbage hauling and dumping are a thriving business with the “right connections” in the national and local governments, involving billions of pesos. On persistent allegations of corruption, RA 9003 says the public can file citizen suits against violators.)

“Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.” Nakapagdulot na ng global warming at climate change ang pag-abuso sa integrity of Creation ng kapaligiran. (“Do not do unto others what you do not want others to do unto you.” Abuse of the integrity of Creation in the environment has caused global warming and climate change.)

Abuse of the integrity of Creation in the environment

Glorified dumps, dapat nang isara! (These glorified dumps must be closed!) Taken from http://opinion.inquirer.net/103870/dump-garbage-us. Originally written by Joey C. Papa for the Philippine Daily Inquirer Op-Ed section’s Commentary titled ‘Why do you dump your garbage on us?’ on May 10, 2017

Joey C. Papa is president of the Bangon Kalikasan Movement.

Silent Letters in Some English and Other Foreign Words

Straight from the Middle East - Silent Letter

Most often Filipinos, and sometimes other Asian nationalities, pronounce English words as they see it.  Like chassis, which is of French origin and which means the supporting frame of an automobile, and which has come to be a part of the English vocabulary, is often pronounced by Filipinos as [cha-sis], with the final ‘s’ being sounded. While in French, the final ‘s’ or ‘t’ is usually silent, as in Mardi Gras, debris, fillet, chalet, etc.

Funny how the Pinoys pronounce certain English words with deep guttural sounds.  I’ve also noticed lately that some Pinoys are pronouncing the ‘r’ in most words like the Spanish ‘rr’ with that velar articulation, especially those graduates of exclusive schools.  I just hope that somebody in DepEd corrects this mistake and have English teachers on all levels rectify this erroneous pronunciation.

To help our readers here are some rules of thumb:

  • When b is followed by a t, the b is dropped, as in doubt [dawt] and subtle [sat’l] but in some words like subterranean and subtract, both letters are pronounced.
  • When d is followed by an n, the d is dropped, as in Wednesday [wenz-dey] and kindness [kayn-nes].
  • The final e in most English and French words is silent as in care [keyr], dame [deym], boutique [bu-tik], voice [voys], maze [mayz], accumulate [a-kyu-mu-leyt], fire [fayr], etc.; but in English words with Greek origin, the final e is often pronounced, as in epitome [e-pi-to-mi] or hyperbole [hay-per-bo-li].
  • When g is followed by an m or an n, the g is often dropped, as in gnu [nu], gnat [nat], align [a-layn] or phlegm [flem]; but both are pronounced in pragmatic or stagnant
  • The letter h is always silent in Spanish, and in some English words like honest [a-nest], hour [ar or a-war], heir [eyr] and Thailand [tay-land], an Asian country.
  • When k precedes the letter n, it is always silent, as in know [no], knell [nel], knee [ni], knife [nayf], knight [nayt] and knock [nak].
  • When l is followed by either d, f, k, or m, it is often silent as in should [shud], could [kud], calf [kaf], half [haf], talk [tok], folk [fok], almond [a-mond], salmon [sa-mon]; but in cold [kold] or mold [mold] both letters are pronounced.
  • When m is followed by the letter b, the b is always silent as in lamb [lam], bomb [bam], climb [klaym]; but in bombarding [bomb-ard-ing] and bombardment [bomb-ard-ment], both letters are pronounced.
  • When m is followed by an n, the final n is dropped as in column [ko-lum], hymn [him] and autumn [o-tum], but when other letters follow the ‘n’, it is pronounced, like in autumnal [o-tum-nal], columnar [co-lum-nar], hymnal [him-nal] and solemnity [so-lem-ni-ty].
  • The initial o in opossum (a marsupial) is most often not pronounced.
  • When p is followed by an s or a t, the p is dropped, as in psychology [say-ko-lo-dyi], psalm [sam] or psalms [samz], receipt [re-sit] and tempt [temt].
  • Words of French origin ending in s or se, usually have these last letters unpronounced.
  • The final t in most French words that have been adapted to the English language is silent, as in chalet [sha-ley], sachet [sa-shey], ballet [ba-ley], fillet [fil-ley], escargot [es-kar-go] (a French delicacy made up of snails).
  • When w is followed by an r, the w is always dropped, as in wrinkle [rin-kel], write [rayt], wrought [rot], wrangler [rangler] and wretched [rets-ed].
  • The combination letters ph is usually pronounced as f except for Stephen (a male proper name) which is either pronounced as [Stef-en] or [Stev-en]; in shepherd [sheperd] the h is dropped completely.
  • The combination gh is usually silent in most English words except in some words where these are pronounced differently, as in tough [taf] and laughter [laf-ter].
  • Diphthongs are combination of 2 vowels and are usually pronounced as one single letter, or a combination of a vowel and a consonant, like the ‘ea’ in meat [mit] and beat [bit] or the ‘ie’ in believe [bi-liv] and receive [ri-siv] or the ‘ou’ in bought [bot] and country [kan-tri]. (Most Pinoys would pronounce the last as [kawn-tri] or [kawnt-ri]. To avoid this, let’s make up another rule: When you say kan-tri, it’s an independent nation; but when you say kawnt-tri, it means One, Two, Three!)  Furthermore, in some words with diphthongs, one of the vowels is just dropped, as in leopard [le-pard], piece [pis], read [red] (past tense of read [rid]), heifer [he-fer], etc.

I have compiled a list of the most common, and sometimes seldom used, English and other words of foreign origin, that are often mispronounced, not only by Filipinos, but most Asians.  I have also added some proper names like that of persons, places, events and some famous car brands plus other pronunciation lists that may be useful to the reader.  All the letters in red are supposed to be silent. Practice and enjoy the rich English language.

[Note: Pronunciations indicated above are basically based on how most Filipinos would spell the words as pronounced.  Basic pronunciation guides can be found in any dictionary.]

A-K

L to Z

Red Letters = Silent

Different Pronun

—Ned Samar

Ugali ng mga gustong bumoto

Comelec Twitter

May “sakit” daw o mas akmang sabihing may ugali ang ilan sa mga Pilipinong nasa majority age na kapag araw na ng eleksyon ay gustung gusto nang makaboto, ngunit sa pagkahaba-haba ng registration period ay hindi naman nagpaparehistro.

Sa tala ng Commission on Elections, napakarami pa ng mga hindi pa nakapagpapatala kahit na mayroon na ngang “Mandatory Satellite Registration Center” sa bawat barangay o sa ilan pa ngang pook sa barangay. Mas makatotohanan ito kung pag-uusapan ang Overseas Absentee Voting registration; kasi naman daw, ayon sa overseas Filipino workers, wala namang nababago sa gobyerno natin. “Useless” at pag-aaksaya lang daw ng panahon ng OFW ang pumunta sa embahada/registration center para magpatala bilang Overseas Absentee Voter. Patuloy anila ang gawi ng mga kurakot, ang pagtaas ng pamasahe at mga bilihin, at ang bulok umanong sistema ng mga pulitiko. Kung mababa ang bilang ng mga nagpaparehistro sa OAV, lalo pa itong bumababa kapag dumating na ang ilang linggong pagkakataong makaboto mula sa ibayong-dagat. Ang totoo sa “sayang” ay ganito: sayang ang preparasyon ng Comelec, sayang ang batas na nagbibigay-karapatan sa mga Pilipino sa labas ng bansa na makilahok sa pagpili ng mga halal na opisyal, at sayang ang kabuuang budget na nailalaan sa Comelec, Department of Foreign Affairs, at ilang sangay pa ng pamahalaan.

Balik sa Pilipinas. Narito ang halimbawa ng pagpapaala ng Comelec para sa mga susunod na botante ng iba’t ibang barangay sa Marilao, Bulacan na kailangan munang magpatala ilang buwan bago ang October 23, 2017 Barangay and SK Elections:

Comelec_Marilao_Satellite_Registration_Sked_MegaManilaScene_20170227

Heto ang halimbawa ng Acknowledgment Receipt mula sa Comelec – San Pedro City, Laguna na tatanggapin ng isang taong nagsadya sa himpilan ng Comelec (registration center o City Hall) at nag-fill up ng form (transfer form naman sa ibang botante). Batay sa karanasan ng mga nagtungo sa Barangay Maharlika Satellite Registration Center sa plasa ng Adelina Complex 2, kung walang aberya, kulang-kulang 15 minuto ay tapos na agad ang registration formalities at matatanggap na agad ng nagpatala ang ganitong kapirasong papel:

Maharlika_Comelec_Registration20170317

BrgyMaharlikaComelecRegistration_MegaManilaScene_2017017

Nawa’y huwag mahirapan at tuluyang makahabol sa registration ang mga gustong bumoto sa Oktubre (o kung kailan man iyan). Pero sa iba, para hindi na mahirapang humabol at maglaan ng araw ay hindi na lamang magpaparehistro. MA-SA-KIT tanggapin ang katotohanang nasa atin ang desisyon o kawalang desisyon sa pagpili ng mga karapat-dapat na pinuno mula barangay at lokal hanggang nasyunal…iyon pala ang tinatawag na isa sa mga “sakit” kada eleksyon. DC Alviar

Comelec homepage

Screenshot mula sa website ng Comelec, ika-5 ng Abril 2017

Comelec Facebook

Screenshot mula sa Facebook account ng Comelec, ika-5 ng Abril 2017

Comelec-KEBS Twitter

Screenshot mula sa Twitter account ng Comelec

Comelec Spokesperson's Facebook

Meron ding bagong gawang Facebook account ang tagapagsalita ng Comelec simula nitong ika-3 ng Abril 2017 (screenshot sa itaas). Tuloy ang preparasyon sakaling matuloy ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.

Mga lalaking sekyu talbog sa babaeng basketbolista

Bantay-marino sa hardcourt ang mga guwardiya ng National University dahil nais nilang makaagpas sa anim na palitan ng lamang (6 lead changes) sa fourth quarter, ngunit nakahanap sila ng katapat hanggang mapataob sila ng isang babae nang pangunahan niya ang ITRO/Admin sa paggapi sa Security Snipers, 95-86, sa HR-sponsored NU Community 1st Basketball Conference sa NU gym kagabi.

Matapos malamangan ng anim sa third period, 59-65, tumabla ang Snipers, 75-75 at 80-80.

Ngunit nagbago ang timpla ng laro sa huling buslo ni ex-Lady Bulldog Jelline Batnag, 84-84, nang may nalalabing dalawang minuto na lamang at mapasakamay ng ITRO/Admin triumvirate Batnag, Mythical 5 member JP Marcelino at Arch. Leo Mamaradlo ang momentum para hindi na sila mahabol at mapalobo pa nila ang lamang sa siyam.

Ikinatuwa at ikinamangha ng mga manunuod ang gitgitang laban mula pa noong simula ng second half nang batian sila ng nothing-but-net jumper ni Sir Nani Garcia, 50-44, at back-to-back triples ni Ciriaco Pacayde na nasundan pa ng kanyang pwersadong pasok, 56-59, para matapyas ng Snipers ang lamang sa tatlo.

Sa tres ni Hilario Butcon nagliyab ang makailang palitan ng lamang at ito rin ang unang pagkakataong makabalik sa porma ang mga sekyu.

Pero mas mapoporma ang mga taga-ITRO/Admin sa tulong na rin ng mga half-court setup nila Sir Richie Ocampo, na bumawi sa followup at steal ni Reynante Sas.

Abante pa rin ang Snipers, 74-73, sa isang tagpo ng fastbreak kung saan malakas ngunit saktong kumagat ang pektus at pumasok ang tira ni Ocampo.

Patay-sindi ang ningning ni Marcelino; matapos siyang makapag-buzzer-beater three-point shot na pagkalayu-layo, natawagan naman siya ng charging. Mabuti’t eksperto sa freethrow si Marcelino ‘pagkat dikitan ang sagupaan bagama’t minsang nakasukbit ng apat na sunod na offensive rebounds ang malalakas mamuwersa sa loob na Snipers.

Halos perpekto rin sa foul throw si Mamaradlo sa kabuuan ng torneong nagmula pa noong Pebrero na nilahukan din ng mga koponang NU Nazareth School, Faculty, Maintenance, at Engineering na pumangatlong pwesto.

Galing sa timeout nang meron na lamang 54 segundo ang natitira, umabante na nang husto ang ITRO/Admin sa naiwang bukas sa perimeter offense  na si Batnag na nakilala ring may championship ring sa UAAP at napanuod din sa PBA 3×3 sa kababaihan bilang kasapi ng Blackwater Elite.

Bago ang kampeonato sa sportsfest ng mga empleyado, pinahirapan din ni Batnag at ng kanyang koponan ang kanilang Final 4 opponents. Meron siya noong back-to-back fastbreak points, dalawang sunod ding duty foul, maging sa loose ball foul niya laban kay Engr. Tony Paez, mga hustle at honest defense.

Tila dagdag-selebrasyon sa Buwan ng Kababaihan sa Pilipinas ang pagkampeon ng isang babaeng katulad ni Batnag na ginawa ang lahat huwag lang patalo sa larangan ng palakasan at makipagbanggaan sa mga basketbolistang lalaki sa kanyang komunidad gaya ng kanyang naipamalas sa NU.

Jelline Batnag

Photo Credit: PBA Facebook account

Batnag FB

Photo Credit: Batnag Facebook account

20170328_204108

20170328_204040.jpg

20170328_204307

20170328_193945